ANG MGA GURO AY HUWARAN – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Ang Mga Guro Ay Huwaran.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Mary Anne Montero.
Ang tulang ito ay tungkol sa dakilang guro na ginagawa ang lahat para sa kaniyan mga estudyante. Sinasaad dito ang mga rason bakit kailangan bigyang respeto sina Ma’am at Sir na dapat.
Ang tula tungkol sa dakilang guro na ito ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga titser na gawin ang kanilang makakaya dahil na-appreciate ito ng mga estudyante.

Ang Mga Guro Ay Huwaran
Huwaran kung sila ay tawagin,
Espesyal sila sa buhay natin
Sila ang dahilan ng ating tagumpay,
Sila ang tumutulong at umaagapay.Guro ang mga pangalawang magulang
Tula tungkol sa guro na isinulat ni Mary Anne Montero
Bigyan ng respeto, ating mahalin.
Mahalaga sa ating puso at mga buhay,
Ating pahalagahan, bigyan ng pugay…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Ang Mga Guro ay Huwaran
Sinasabi niya sa tula tungkol sa guro kung bakit huwaran ang mga guro. Ang mga guro ay espesyal dahil sila ang tumatayo na ikalawang magulang natin.
Tinuturuan nila ang kanilang mga estudyante sa lahat ng bagay kahit ang iba ay nagbubulakbol. Sa huli, sinasabi ng may katha na dapat silang mahalin dahil sila ang nagbibigay ng magandang kinabukasan sa atin.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ipagpatuloy lamang ang pagiging ikalawang magulang sa inyong mga studyante dahil sa pagdating ng panahon ay babalik din ang kabutihan na naidulot ninyo sa inyo.
Para sa mata ng mga estudyante, ang maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na ito ay nagbibigay ng leksyon na dapat pinapahalagahan ninyo ang ginagawa ng mga guro ninyo dahil para ito sa inyong kinabukasan. Maging mabait at masunurin sa mga guro.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Ang Mga Guro Ay Huwaran” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!