Ang Aking Guro, Aking Bayani : Isang Tula Tungkol Sa Guro

ANG AKING GURO, AKING BAYANI – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Ang Aking Guro, Aking Bayani.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Daniel Avila De Guzman.

Ang tula na ito ay tungkol sa kanyang pagpapahalaga at pasasalamat sa dakilang guro na malaki ang pasasalamat niya.

Tula Tungkol sa Guro - Ang Aking Guro, Aking Bayani!
Isang Tula Tungkol Sa Guro

Ang Aking Guro, Aking Bayani

Paggising sa umaga,
Diwa’y inaantok pa
Ngunit tayo’y papasok na
Papasok na sa eskwela

Simula pagkabata hanggang sa pagtanda
Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina
Nariyan para gumabay at mag-aruga,
Pasasalamat lamang ay nararapat itakda…

Tula tungkol sa guro na isinulat ni Daniel Avila De Guzman

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Ang Aking Guro, Aking Bayani

Sa tulang ito, isinaysay ng may akda ang pagpapahalaga niya sa mga guro. Sinasaysay sa tula ang buhay ng may akda noong nag-aaral pa siya.

Simula bata, ang kanyang guro ay ang tumatayong pangalawang magulang niya. Sa mga pagkakamali nila ay kabutihan lang ang sinusukli. Laking pasasalamat niya dahil sa pagmamahal na nataggap at matagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang mga guro.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay pahalagahan ang mga gurong ng ating mag-aaral. Sila ang humuhubog ng mga mabubuting asal at nagbibigay karunungan sa ating mag-aaral. Isinasantabi nila ang kanilang sarili para sa ating mag-aaral kaya sila ay maituturing na bayani.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa mga teachers na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga teacher.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay mayroon kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

1 thought on “Ang Aking Guro, Aking Bayani : Isang Tula Tungkol Sa Guro”

Leave a Comment