Ang Aking Bayani : Isang Tula Tungkol Sa Guro

ANG AKING BAYANI – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Ang Aking Bayani.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Angeline S. Acutillar.

Ang halimbawa ng tula na “Ang Aking Bayani” ay tungkol sa dakilang guro na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Isinasaysay dito sa tula bakit karapatdapat tawaging “bayani” ang mga guro.

Tula Tungkol sa Guro- Ang aking bayani
Isang Tula tungkol sa Guro na Isinulat ni Angeline S. Acutillar

Ang Aking Bayani

Sa aming musmos na isipan
Binigyan nyo ng mga kaalaman
Na di namin makakaligtaan
Saan man landas na tahakin o paroroonan

Sa bawat araw na pagtuturo
Guro ay may laging bagong mga ngiti
Na sa kalungkutan ng umaga ay pumapawi
Nagpapasigla kaya umaga namin ay kay ganda…

Tula tungkol sa guro na isinulat ni Angeline S. Acutillar

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula at ito ay ating maging inspirasyon.

Buod ng Tulang Ang Aking Bayani

Sinasabi sa tula na ito ang tungkol sa dakilang guro at ang mga pinaranas niyang kabutihan sa kanyang mga estudyante. Ipinapaliwanag dito sa tula na dapat intindihin ng mga studyante ang kanilang mga guro dahil sa hirap ng kanilang mga gawain para lang maturuan sila at matuto.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay dapat intindihin at unawain ang mga guro. Sa kadahilanang sila ang naghuhubog sa mga kabataan para makamit ang masaganang buhay.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Ang Aking Bayani” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan, kaklase, kapatid, o mga kamag-anak. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment