AKING GURO, AKING BAYANI NI IMEE – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Aking Guro, Aking Bayani.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa guro na isinulat ni Imee Joy Cabatic.
Ang “Aking Guro, Aking Bayani” ay tula tungkol sa dakilang guro na ginagawa ang lahat para sa kaniyang mga estudyante. Sinasaad dito na pinapahalagahan ng isang studyante ang mga ginagawa nila ni Ma’am at Sir.
Ang tula tungkol sa dakilang guro na ito ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga titser na gawin ang kanilang makakaya dahil na-appreciate ito ng mga estudyante.

Aking Guro, Aking Bayani
Simula sa abakada
Hanggang sa pagbabasa
Sila ang kasama
At Pangalawang ama o inaSa inyo nagmula ang aming karunungan.
Tula tungkol sa guro na isinulat ni Imee Joy Cabatic
Sa pagbabasa man o pagsusulat
Inyo kaming tinuruan
Inyo kaming ginabayan…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Aking Guro, Aking Bayani ni Imee
Sinasabi niya sa tula tungkol sa kanyang guro na hangang hanga siya sa kakayahan nito. Ang guro ay maaasahan at sandigan ng mga estudyante sa anumang bagay.
Sila rin ang nagbibigay ng gabay sa mga estudyante para makamit ang kanilang pangarap. Dahil sa kanilang mga taglay na katangian bilang guro, karapat-dapat lang na sila ay igalang.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa maikling tula tungkol sa guro na ito ay ipagpatuloy lamang ang pagiging ikalawang magulang sa inyong mga studyante dahil sa pagdating ng panahon ay babalik din ang kabutihan na naidulot ninyo sa inyo.
Para sa mata ng mga estudyante, ang maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na ito ay nagbibigay ng leksyon na dapat pinapahalagahan ninyo ang ginagawa ng mga guro ninyo dahil para ito sa inyong kinabukasan. Maging mabait at masunurin sa mga guro.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Aking Guro, Aking Bayani” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan at nakuhang aral sa tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming mga halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!