Tula Tungkol Sa Eleksyon – 8 Maikling Tula Sa Eleksyon

TULA TUNGKOL SA ELEKSYON – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling halimbawa ng tula tungkol sa eleksyon ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng pagboto ng tama sa eleksyon sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang eleksyon ay isang proseso ng pormal na pagpapasya kung saan tayo ay pumipili ng kandedatong hahawak sa publikong opisina. Kaya, hinihikayat ng namumuno sa eleksyon na dapat tayong mga mamamayan ay bumoto sa mga taong tunay na tapat at masigasig sa kanilang mga tungkulin. Sa Pilipinas talamak ang isyu ng pagbili ng boto sa mga mamamayan. Kaya ang mga tulang narito ay tinipon upang hikayatin tayong bomoto ng ng tunay na may malasakit sa kapwa-tao at huwag tayong basta nalang masilaw sa kanilang pera.

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa eleksyon ay maging inspirasyon natin para pahalagahan ang tamang pagboto tuwing eleksyon. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng mga halimbawa ng tula tungkol sa eleksyon.

See also: Talumpati Tungkol Sa Eleksyon

Tula Tungkol Sa Eleksyon – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Matalino At Tamang Pagboto Tuwing Eleksyon Tagalog

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Tula Tungkol sa Eleksyon Sa Pilipinas.

  1. Para Sa Darating Na Eleksyon

  2. Eleksyon Na Naman

  3. Halalan

  4. Halalan!

  5. Dahil Hindi Ako Tanga

  6. Isang Markang Kayhalaga

  7. Aking Payo

  8. Pagboto

Tula Tungkol Sa Eleksyon – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Matalino At Tamang Pagboto Tuwing Eleksyon Tagalog

TULA TUNGKOL SA ELEKSYON 2021 - 8 HALIMBAWA NG MAIKLING TULA TUNGKOL SA ELEKSYON
TULA TUNGKOL SA ELEKSYON 2021 – 8 HALIMBAWA NG MAIKLING TULA TUNGKOL SA ELEKSYON

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling Tula Tungkol sa Eleksyon. Nawa ating bigyan ng kahalagahan ng tamang pagboto tuwing eleksyon batay sa mababasa ninyong halimbawa ng maikling tula tungkol sa Eleksyon dito sa Pilipinas.

Para sa Darating na Eleksyon

Kapatid gumising ka

Bumangon at pagmasdan ang ating bansa
Nakita mo na?,Walang pagbabago hindi ba?
Puro korapsiyon,wala ng iba pa

Sino nga ba ang dapat iboto?
Yung taong totoo?
Yung taong hindi bobo?
O yung handang tumulong sa oras nang pangangailangan mo

Kapatid ibukas mo ang iyong mga mata
Wag magpabulag sa liwanag ng politika
Dahil tayo’y isang bansang may demokrasya
Tandaan,Wag tayo magpapagamit sa kanila

Iboto mo ang taong nararapat
Kahit sa yaman ay salat
Pero siya ay tunay na tapat
At maaasahan sa lahat

Huwag iboto nang dahil sa pera
Iboto mo kung sino ang tama
Dahil walang kapupuntahan ang ating bansa
Kung paiiralin ang maling sistema

Sa pagtatapos ng tulang ito
Sana’y naisip mo,kung sino ang iyong iboboto
Yung tapat at totoo
At karapat-dapat sa pwesto.

Tula tungkol sa matalinong pagboto sa eleksyon ni Ria Villaflores

Ang tula na pinamagatang Para sa Darating na Eleksyon ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

ELEKSYON NA NAMAN

Dito po sa aming bayan, Eleksyon na nman
Mga tao’y nagkakagulo, sila’y nagkukuwentuhan
Sino daw bang kandidato, kanilang napupusuan
Kanilang iboboto, sa darating na halalan.

Talagang laging masaya, kapag time ng eleksyon
Panu kasi’y mga tao, kanya kanyang kontribusyon
Mga tatakbong kandidato, iba’t-ibang posisyon
Kanya kanyang pakulo, para iboto ng nasyon.

May mga nagsasabing sila’y galing sa mahirap
Meron din nmang magbibigay ginhawa at sarap
May mga makakalikasan, sa tao’y humaharap
Mayroong may galing at talino, may simple at payak.

Ako’y naiiling na lang, pag ako’y nakakakita
Ng mga iba’t-ibang posters, naglipana sa eskinita
Sa mga poste at mga bakod, nagkakapit sila
Animo’y mga sampayan, nakahambalang sa kalsada.

Paggising sa umaga, inyo nang maririnig
Sari-saring jingle, samut-saring tinig
Mayroong tugtog na rock, may nakakakilig
May pampatulog ng bata, at may pampasakit dibdib.

Ang mga kandidato, kanya kanyang diskarte
May mga kumakamay, may ads pa sa TV
May kumakanta’t sumasayaw, na parang bibe
Mayroong nagdedebate, at may nagpapapogi.

Ang mga botante nman ating pag-usapan
Sila’y di magkamayaw, may mga nagpupustahan
May nagbebenta ng boto, may tumatanggi din nman
Mayroong may prinsipyo kahit kumulo ang tiyan.

Ako nama’y naaawa sa kapatid nating mangyan
Sila’y na eexploit, dahil b sila’y mangmang?
O di kaya nma’y binebenta ng kapwa kasamahan
Sa mga pulitikong mataas ang pinag-aralan.

Kaydaming bago ngayon, sa panahon ng eleksyon
Pagboto daw namin, ginawa nilang automation
Boto’y makina ang bibilang, walang human intervention
Magiging maalwan at madali, walang kunsumisyon.

Pero mga tao’y nagdududa, ala nga bang dayaan?
Dahil lagi na lang yon ang dahilan tuwing may halalan
Kapag kandidato’s natalo, DINAYA ang katwiran
Kapag nanalo nama’y, mahal siya ng mamamayan.

Sa mga kapwa ko botante, aking maipapayo
Lagi pong tatandaan, boto ninyo ay sagrado
Isiping mabuti ibobotong kandidato
Iyong may takot sa Diyos, at may kapwa tao.

Ang dignidad ng bayan, sa kamay natin nakasalalay
Demokrasyang nakamit, puhunan ay buhay
Nang mga bayani, sa mga kamay ng kaaway
Noong unang panahon, tayo’y wala pang malay.

Sa mga kandidato, ang halalan ay isang araw lamang po
Kung kayo’y matatalo, tanggapin ng buong puso
Hindi pagkakaunawaan, atin na ngayong iwasto
Kapayaan ay ialay, wag nang dumanak ng dugo.

Bilang pagtatapos, ang akin pong dinarasal
Nawa’y lahat tayo’y, pagpalain ng Maykapal
Tayo’y iisang lahi, Lahi tayo ng marangal
Tayo’y mga PILIPINO, Pag-unlad nati’y daratal!

Tula tungkol sa kahalagahan ng pagboto sa eleksyon ni Jaycee Ziv

Ang tula na pinamagatang ELEKSYON NA NAMAN ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

Halalan

Karapatang bumoto,
pumili, kumilatis sa dapat na maupo.
Nalalapit na naman ang halalan
at ang lahat ay naghahanda.
Kani-kaniyang raket
para makahatak ng supporters.
Ganiyan naman talaga ang buhay politika
kani-kaniyang pagpapabango ng pangalan.
Kani-kaniyang diskarte
at ang bawat isa ay nagnanais na makamit
ang pwestong pinakamimithi.

Tula tungkol sa pagbibigay halaga sa pagboto sa eleksyon ElEstranghero

Ang tula na pinamagatang Halalan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

Halalan!

Simoy ng eleksyon ay malapit ng sumapit
kay aga pa lang marami nang naghahapit
sa mga istasyon ng radyo at telebisyon
atin ng mabobosesan ang kanilang layon.

Trapong kamakailan hindi nakakakilala
masalubong ngayon ay nangakangiti na.
umeepal nagpapam-pam nangagiikot-ikot
umaasang boto ay muli nilang masambot.

Maraming timawa tiyan ay magkakalaman
gayundin pagdami raket na pagkakakitan.
balimbing na prutas magiging bukambibig
mga taong switek sa magkabila ang panig.

Dating magkakampi ay magkatungali ngayon
talo-talo na kumbaga manalo lang sa eleksyon.
paulit-ulit na pangyayari, ano ba ang nabago?
wala! kundi ngalan ng mga bagitong kandidato.

Huwag magtaka kung may patay na nilalamay
tarpulin ng yumao kandidato ang nakalagay.
” Sa mga naulila ay taos pusong nakikiramay,
huwag kalilimutan kabaon ako ang nagbigay!”

Botanteng ngayon lang makakaranas bumoto
pag-aralang maige ang karapat dapat ipwesto.
walang kai-kaibigan,kamag-anak o kumpare
kung nais ay pagbabago tunay na mangyare.

Tabi-tabi po mga nunong nanga-kaupo
manong ibigay naman sa iba ang trono.
pamumulitika ay isantabi na sa ating bayan
buong puso ng magsilbi sa mga mamamayan.

Sanaysay tungkol sa karapatan ng pagboto sa eleksyon mula sa makatanghilaw0917.blogspot.com

Ang tula na pinamagatang Halalan! ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

Tula Tungkol Sa Eleksyon – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Matalino At Tamang Pagboto Tuwing Eleksyon Tagalog

Dahil Hindi Ako Tanga

Dahil hindi ako tanga,

Iboboto ko
Ang mga pulitiko
Na puro pangako
At laging napapako.

Dahil hindi ako tanga,

Ikakampanya ko sa botohan
Ang mga kurakot ng bayan
Na walang silbi sa mamamayan
Pabigat lang sa pinapasan.

Dahil hindi ako tanga,

Maniniwala ako sa sinasabi,
Ng mga kandidatong
Tila wala sa sarili
Ang pagmumuni-muni.

Dahil hindi ako tanga,

Yayakapin ko at kakamayan,
Ang mga kandidatong magsusulputan
Sa aming bakuran
Para sa kampanya ng halalan.

Dahil hindi ako tanga,

Ipaglalaban ko’t paninindigan,
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ang mga plataporma
Na alam kong ningas kugon lamang.

At dahil hindi ako tanga,

Tatanggapin ko ang barya
Na pinagbentahan
Ng aking prinsipyo’t karangalan…

Dahil hindi ako tanga

Tula tungkol sa pagboto ng tama sa eleksyon ni Avon Adarna

Ang tula na pinamagatang Dahil Hindi Ako Tanga ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

Isang Markang Kayhalaga

sa pawis na nunukal habang nakapila
nabubuo ang pagtitiis para sa hangaring maganda
at ang sandaling tila inaksaya,
di aakalaing maganda ang ibubunga

kaya nga matatanaw ang libong pag-asa
sa isang tila walang saysay na marka
na minsa’y tinutumbasan ng munting halaga
at minsa’y nais pang nakawin ng iba.

kaya’t isang araw ang dapat paglaanan
ng tamang nilay-nilay at wastong kaisipan
upang ang isang markang inilaan
pagdating ng panaho’y di pagsisihan

Tula tungkol sa matalinong pagboto sa eleksyon mula sa manulnulat.wordpress.com

Ang tula na pinamagatang Isang Markang Kayhalaga ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

Aking Payo

Maging matalino sa pagboto
Kilalanin ang bawat kandidato
Huwag tumanggap ng kahit piso
Huwag makisabay sa uso

Walang kandidatong perpekto
Huwag maghanap ng perpekto
Hanggat tapat magserbisyo
Ibigay ang nararapat na pwesto

Iwasan ring makipagtalo
Ito’y nagdadala lang ng gulo
Maging isang ehemplo
Ng pagiging responsableng Pilipino

Irespeto ang mananalo
Kahit di mo sila gusto
Kung gusto mo ng pagbabago
Simulan mo sa sarili mo

Tula tungkol sa kahalagahan ng pagboto sa eleksyon mula sa Idadaan ko nalang sa Tula

Ang tula na pinamagatang Aking Payo ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

Pagboto

Karapatan bilang isang mamamayan
Pagpapahayag ng napupusuan
Mapalad ang sumama sa botohan
Nakikiisa ka sa pagbabago ng lipunan

Salamat sa mga bumoto
Kahit mainit pumila kayo
Matanda,buntis at katutubo
Pumila para makaboto

Sanay sa mga nanalong kandidato
Gawin anumang ipinangako nyo
Magkaroon ng tunay na pagbabago
Uhaw na uhaw sa paghihintay sa inyo…

Tula tungkol sa pagboto ng tama sa eleksyon mula sa Mga Tula ng Makata By Herbert Fajarda

Ang tula na pinamagatang Pagboto ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary of Mga Tula Tungkol Sa Eleksyon 2022

Ang Eleksyon ang daan upang pumili tayo ng mga taong mamumuno sa ating bayan. Mahalagang kilalanin natin ng mabuti ang taong kumakandidato nang sa gayon ay makahalal tayo ng tamang taong tapat sa kanilang tungkulin. Kaya ang artikulong mga halimbawa ng Tula Tungkol Sa Eleksyon ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon upang bigyang kahalagahan ang tamang pagboto tuwing eleksyon at huwag masilaw sa mga perang pansuhol lamang.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Tula Tungkol Sa Eleksyon – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Eleksyon 2022. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment