Tula Tungkol Sa Crush Ko Na Mahal Ko Na

TULA TUNGKOL SA CRUSH KO NA MAHAL KO NA – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Tula Tungkol Sa Crush Ko Na Mahal Ko Na.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush na isinulat ni Jey Bii Ell (Superman).

Crush, sila yong nagbibigay ng maganda at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi.

Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng hinahangaan mo na crush mo sya, maaring magpatuloy ang pagtitinginan ninyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Tula Tungkol Sa Crush Ko Na Mahal Ko Na
Isang Tula Tungkol sa Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush Ko Na Mahal Ko Na

Aking sinta, akin pang naalala
Yung mga araw na hindi pa tayo magkakilala.
Minsan dumadaan ka saking harapan
at ako naman tong hindi mapihilan na ikaw ay hindi tignan.
Inaamin kong ako ay humahanga sayo.
Oo, sayo mismo.
Para kang bituin saking mga mata na pag nakikita kita
ayokong ikaw ay alisin saking paningin.
Gusto kitang kausapin at pansinin.
Liligawan yun ang nais sabihin.
Kaso hindi ko kayang gawin.
Kaya liligawan kita sa paraan nang pag pansin…

Tula tungkol sa magulang na isinulat ni Jey Bii Ell (Superman)

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tula Tungkol Sa Crush Ko Na Mahal Ko Na

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Napahanga siya ng una niya itong nakita.

Gusto niyang ligawan siya ngunit alam niya na kaibigan lang ang turing niya sa kanya. Masaya ang may akda kung hindi man siya ang gusto ng crush niya basta’t masaya lang siya. Dinaan niya nalang sa tula ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush na mahal niya na.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman.

Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal, at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment