Tula Para Kay Crush (ni BlackBallPens) : Tula Tungkol Sa Crush

TULA PARA KAY CRUSH (NI BLACKBALLPENS) – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Tula Para Kay Crush.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush na isinulat ni BlackBallpens.

Crush, sila yong nagbibigay ng maganda at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi.

Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng hinahangaan mo na crush mo sya, maaring magpatuloy ang pagtitinginan ninyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Tula Para Kay Crush ni blackballpens
Tula Para Kay Crush (ni BlackBallPens) : Isang Tula Tungkol sa Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Para Kay Crush

Isinulat ko itong madamdaming tula
Dahil sa pagtibok ng puso kong bigla
Alam kong ito’y hindi kapani-paniwala
Ngunit dahil sa’yo ako’y naging isang makata.

Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman
Sa lalaking ito’y lubhang tinamaan
Kung hindi ako nagkakamali,
_________ ang kanyang pangalan…

Tula tungkol sa magulang na isinulat ni BlackBallPens

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tula Para Kay Crush

Ang tulang pinamagatang “Tula Para Kay Crush ni BlackBallPens” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush.

Dahil sa lalaking ito, naisulat ng may akda ang tula. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman sa kanya. kapag sila ay nag-uusap, para siyang nasa ulap. Pinagdarasal niya na mabasa ng kanyang crush ang kanyang tula. Magiging tapat siya basta hindi siya paaasahin.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Tula Para Kay Crush ni BlackBallPens” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman.

Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Tula Para Kay Crush ni BlackBallPens” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment