Torpe : Isang Tula Tungkol Sa Crush

TORPE – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Torpe.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush na isinulat ni AUGUST.

Crush, sila yong nagbibigay ng maganda at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi.

Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo na crush mo sya, maaring magpatuloy ang pagtitinginan ninyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Torpe
Torpe : Isang Tula Tungkol Sa Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Torpe

papano ba mapaparating ang nararamdaman?
kaya ko bang sasabihin saiyo ng harapan?
kung meron lang sana akong lakas ng loob
sa tamang hinala ng maling kutob

bakit sayo lang nagkaganito
sa bituwing tunay na may ganda
bakit sayo, tuluyang nagbago
may paghanga, meron ding pangamba…

Tula tungkol sa magulang na isinulat ni AUGUST

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Torpe”

Ang tulang pinamagatang “Torpe” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Lagi niyang pinagmamasdan ang kanyang crush at gustong sabihin ang nararamdaman ngunit siya ay torpe.

Hindi niya maiwasan ang kanyang nararamdaman ngunit hindi niya magawang umamin. Hinahalintulad niya ang kanyang nagugustuhan sa isang rosas. Hiling niya ay pakinggan siya ni Nadine dahil hindi niya kayang mabuhay ng wala siya.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman.

Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Torpe” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment