Tula Tungkol Sa Crush: Para Kay Crush

TULA TUNGKOL SA CRUSH– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Para Kay Crush“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay mula sa kay ms_jamy galing sa Wattpad

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol sa Crush - Para Kay Crush
Tula Tungkol sa Crush – Para Kay Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush: Para Kay Crush

At ito ang tula na pinapamagatang “Para Kay Crush”.

Nung una pa lang kitang nakita
Lintek na kupido
Pinana agad ang puso ko
Kaya ang lakas ng tama sa’yo.

Tila mata’y naka-stick glue
At ika’y nakidikit na sa puso ko
Naghihintay na mahawakan ang iyong kamay
At kung pwedeng sayong tabi na mamatay.

Dahil sa iyong angking kagwapuhan
Kaya naghahari ang aking kalandian
Tila di mapakali
Tulad ng kiti-kiti.

Nang yumingin ka sa akin
Sabay sabi ng “hi” sakin
Parang ako’y biglang hihimatayin
Sabay sabi ng “Oh God, thank you for blessing”.

O “crush” ko
Na “soon to be husband” ko
Na hanggang sa “growing old with you”
Maniniwala na ako sa “forever” pag ikaw ang makakasama ko.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Para Kay Crush ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Nabighani siya sa taglay na kagwapuhan nito. Talagang kinikilig siya noong nagkatinginan sila. Nangangarap siyang makakasama niya ito hanggang sa huli.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Para Kay Crush” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman. Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang Para Kay Crush ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Crush. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment