Tula Tungkol Sa Crush: OK Lang

TULA TUNGKOL SA CRUSH– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “OK Lang“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay mula sa kay ms_jamy galing sa Wattpad.

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Ok Lang
Tula Tungkol Sa Crush – Ok Lang

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush: OK Lang

At ito ang tula na pinapamagatang “OK Lang”.

Si crush ay crush lang,
Pero di ko alam kung bakit iba na aking nararamdaman,
Tila kinakabahan pag ika’y nandyan,
At tila di makatingin sayo ng diritsuhan.

Palihim kung ako’y makatingin,
At ako’y umiiwas pag napadapo sa akin ang iyong mga tingin,
Nahihiya kasi ako at nag-aalala,
Na baka makita mo ang mukha kong namumula.

Minsan ay napapa-isip ako,
Kung magugustuhan mo ba ang kagaya ko,
O kaya naman may gusto ka nang ibang tao,
Na mas hihigit pa sa tulad ko.

Okay lang ako,
Ngumingiti pag kaharap mo,
Tumatawa sa mga jokes mo,
Pero umiiyak pag nasa kwarto na ako.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga to,
Pag-ibig na ba ito?
Sana hindi,
Kasi ayaw kong masaktan sa huli.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang “OK Lang” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman kapag nandiyan ang crush niya. Nahihiya siya kapag nagkakatitigan sila dahil baka malaman niya na namumula ang kanyang mukha. Tinatago niya ang kanyang nararamdaman at napapa-isip ang may akda kung magugustuhan ba siya ng kanyang crush. Umaasa ang may akda na hindi ito pag-ibig dahil ayaw niyang masaktan sa huli.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “OK Lang” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman. Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang OK Lang ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Crush. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment