Ngiti : Isang Tula Tungkol Sa Crush

NGITI – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Ngiti.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush na isinulat ni Omniest Wanderer.

Crush, sila yong nagbibigay ng maganda at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi.

Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng hinahangaan mo na crush mo sya, maaring magpatuloy ang pagtitinginan ninyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Ngiti
Ngiti : Isang Tula Tungkol Sa Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Ngiti

Nakakakilig, matatamis ang iyong mga ngiti
Nakakatunaw ang kinang sayong mga labi

Kakaiba ka sa pakiramdam, napakaganda mo sa loob
Napakaganda tignan ng mala alon mo na buhok

Sabi nila’y, ang mga taong may liwanag ay meron ding lalim
Ano nga bang nasa likod ng ‘yong magagandang tanawin

Nais ko’y lumapit, ngunit papano ako bubwelo
Tunay ngang ang langit ay binabantayan ni san pedro…

Tula tungkol sa magulang na isinulat ni Omniest Wanderer

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Ngiti”

Ang tulang pinamagatang “Ngiti” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Nabighani siya sa taglay nitong kagandahan.

Gusto niyang makilala pa ito ngunit hindi siya makabwelo. Hinahalintulad niya ang kanyang nagugustuhan sa isang tala na hindi niya kayang maabot. Sa huli, gusto niya lang magpamalas ng paghanga at kung ipapalarin ay magkakilala.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman.

Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Ngiti” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal, at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment