Mahal Na Kita Crush : Isang Tula Tungkol Sa Crush

MAHAL NA KITA CRUSH – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Mahal Na Kita Crush.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush na isinulat ni Grasya.

Crush, sila yong nagbibigay ng maganda at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi.

Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng hinahangaan mo na crush mo sya, maaring magpatuloy ang pagtitinginan ninyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Mahal Na Kita Crush
Isang Tula Tungkol Sa Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Mahal Na Kita Crush

“Di ko sukat akalain..
ang matagal ko nang lihim
sayo ay aking pagtatapatin.

Mahal na kita crush..
alam kong mali dahil may mahal kang iba
alam kong di dapat pero pwede pa ba?…

Tula tungkol sa magulang na isinulat ni Grasya

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Mahal Na Kita Crush”

Ang tulang pinamagatang “Mahal Na Kita Crush” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush.

Pinagtapat ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Tanging hiling niya ay hindi magbago ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa dahil ayaw ng may akda na mabigo.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tula na ito ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman.

Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Mahal Na Kita Crush” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal, at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment