Tula Tungkol Sa Crush: Isang Tula Para Sayo Sinta

TULA TUNGKOL SA CRUSH– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Isang Tula Para Sayo Sinta“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay mula sa kay Tentalavera.

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Isang Tula Para Sayo Sinta
Tula Tungkol Sa Crush – Isang Tula Para Sayo Sinta

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush: Isang Tula Para Sayo Sinta

At ito ang tula na pinapamagatang “Isang Tula Para Sayo Sinta”.

Ang tulang ito ay inaaalay ko sa aking buhay,
Buhay na nagbibigay saya sa bawat lumbay,
Sa bawat araw ay nagsisilbing gabay,
At ang nagiisang taong gusto ko laging karamay.

Mahal, sana’y hindi kana mawala pa sa akin
Hiling ko na habang buhay kang makapiling,
Sa bawat umaga na aking paggising,
Ikaw ang madatnan at yayakapin,

Aaminin kong hindi tayo laging masaya,
May lungkot at galit na minsa’y nadarama,
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga problema,
Pagmamahal ko sayo’y hindi bababa sa sobra.

Mamahalin ko ang tulad mo higit pa saking sarili,
Bibigay kong lahat masilayan lang ang yong ngiti,
Sisikapin kong pasayahin ka palagi,
Dahil ikaw ang dahilan ng galak sa aking mga labi,

Sa bawat paglipas ng panahon ikaw pa rin aking mahal,
Mapasayo akong buo ang aking munting dasal,
Tatawirin ko ano mang harang, balakid at sagabal,
Mapatunayan aking pagibig hanggang sa araw ng ating kasal,

Ikaw ang dahilan ng bawat aking paglaban,
Sa lahat ng bagay na aking pinagdadaanan,
Imahe mo ang nagsisilbing balikat na sandalan,
Salita mo ang nagbibigay sa puso ko ng kapayapaan,

Ang tulang ito ay para sa mahal kong asawa,
Irog ko buong buhay aking sinisinta,
Salamat sa lahat ng binigay mong pag-asa,
Mahal na mahal kita aking Aza.

Mahal na mahal kita
Mahal kita
Ikaw ang aking buhay
Habambuhay.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Para Sayo Sinta ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush na asawa niya. Ang tula ay tungkol sa kanyang pagmamahal sa kanyang asawa. Hiling ng may akda na makapiling niya ito habambuhay at gagawin ang upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa kanya.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Isang Tula Para Sayo Sinta” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman. Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Para Sayo Sinta ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Crush. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment