Gunita ng Paghanga : Isang Tula Tungkol Sa Crush

GUNITA NG PAGHANGA – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Gunita ng Paghanga.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush na isinulat ni RL Canoy.

Crush, sila yong nagbibigay ng maganda at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi.

Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo na crush mo sya, maaring magpatuloy ang pagtitinginan ninyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Gunita ng Paghanga
Gunita ng Paghanga : Isang Tula Tungkol Sa Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Gunita ng Paghanga

Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari’y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.

Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa’t kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw…

Tula tungkol sa magulang na isinulat ni RL Canoy

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Gunita ng Paghanga”

Ang tulang pinamagatang “Gunita ng Paghanga” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Binabalik-tanaw niya ang kanyang malungkot na kabataan na nagliliwanag kapag makikita niya ang kanyang crush.

Nalungkot siya ng nagkahiwala sila habang lumalaki na sila. Ngayon, pinapahiwatig niya ang kanyang kagustuhan sa kanya sa pamamagitan ng tulang ito.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Gunita ng Paghanga” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman.

Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Gunita ng Paghanga” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal, at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment