Crush : Isang Tula Tungkol Sa Crush

CRUSH – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang tula na pinamagatang “Crush.” Ito ay halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush na isinulat ni Maricar Centino.

Crush, sila yong nagbibigay ng maganda at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi.

Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng hinahangaan mo na crush mo sya, maaring magpatuloy ang pagtitinginan ninyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Crush
Isang Tula Tungkol Sa Crush

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Crush

Ang aking  puso ay maligaya
ikaw ang inspirasyon at nagbibigay sigla
Kinakabahan ako pag nasisilayan ka
pinagpapwisan ako pagpalapit ka na

Oh crush hanggang sa panaginip kasama ka
di ka mawala sa isip ko at alaala
lahat ng bagay na gawin mo sa akin ay sinta
paghanga lamang ba talaga  o pagibig na?…

Tula tungkol sa magulang na isinulat ni Maricar Centino

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Crush”

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang hinahangaan.

Pinapangarap ng may akda na makapiling ang kanyang hinahangaan ngunit malabo itong mangyari dahil may gusto siyang iba. Pinagtagpo lang sila pero di tinadhana. Kahit malabo ngayon, umaasa pa rin siya na baka magkagusto ang kanyang hinahangaan sa kanya.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa tulang ito ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman.

Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para sa ating hinahangaan, minahal, at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Halimbawa ng Tula

Leave a Comment