Tula Tungkol Sa Crush: Crush Wag Paasa

TULA TUNGKOL SA CRUSH– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Crush Wag Paasa“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay mula sa kay airuser_kyla galing sa Wattpad.

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Crush Wag Paasa
Tula Tungkol Sa Crush – Crush Wag Paasa

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush: Crush Wag Paasa

At ito ang tula na pinapamagatang “Crush Wag Paasa”.

Si crush napaka sungit
Tingin niya sakin laging mapanlait
Na para bang sa lahat ng tao ako ang pina kapangit
Kaya kung minsan siya’y nakakagalit.

Pero pag nag “hi” ka
Papansinin ka niya
Pag tinanong mo kung may girlfriend na
Sasabihin niya wala, pero meron na pala.

Si Crush sobrang paasa
Di kasi niya nafeel iyong nadarama
Sa tuwing titingin ka sa kanya ay nakatingin siya sa iba
Plus nakangiti pa.

Paasa, paasa.
Bakit kaya di na ako kumprontahin kung may pag-asa
Para kung wala edi mabigyan ng chance ang iba
Na sa puso ko maghari at wala ng iba.

Pero crush kahit paasa ka
Gusto pa rin kita
Wala eh, tama mo sakin ay sobra-sobra
Kya sana ang tulang ito’y iyong mabasa.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang “Crush Wag Paasa” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Sa tulang ito, nilalarawan ng may akda ang kanyang crush na masungit at paasa. Kahit ganito ang kanyang crush, gusto niya pa rin ito at sana ay mabasa ang tula ng kanyang crush.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Crush Wag Paasa” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman. Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang Mahal Na Kita Crush ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Crush. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment