Tula Tungkol Sa Crush: Ang Unang Sulyap

TULA TUNGKOL SA CRUSH– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Ang Unang Sulyap“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay mula sa kay laralorono.wordpress.com.

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Ang Unang Sulyap
Tula Tungkol Sa Crush – Ang Unang Sulyap

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush: Ang Unang Sulyap

At ito ang tula na pinapamagatang “Ang Unang Sulyap”.

Bagong salta pa lamang sa opisina.
Kaya aking pagpasok ay maaga.
Mula sa pintuan ay diretso agad sa lamesa.
Lamesa kung saan ngalan ay dapat ilagda.

Lagda na bilang tanda nang iyong pagpasok.
Gamit ang pluma na may itim na tatak.
Ngalan at eksaktong oras ng pagdating ang isinulat.
Nang matapos ako’y aalis na ng marapat.

Ngunit sa aking paglingon iyong mukha ang aking nakita.
Ngiti sa iyong labi ang naipinta.
Tila ba ang oras ay huminto.
Ito ang unang sulyap ko sa iyo.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Ang Unang Sulyap ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Gusto niya ang kanyang katrabaho. Lagi siyang maagang dumating upang lumagda sa logbook. Nang lumingon siya, nasulyapan niya ang isang napakagandang ngiti. Doon siya nahulog.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Ang Unang Sulyap” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman. Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang Ang Unang Sulyap ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Crush. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment