Tula Tungkol Sa Crush: Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko

TULA TUNGKOL SA CRUSH– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay mula sa kay JL Poems.

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko
Tula Tungkol Sa Crush – Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush: Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko

At ito ang tula na pinapamagatang “Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko”.

Natulala ako nung una kang nakita
Sa loob ng aklatan habang nagbabasa
Ninais ko na kaagad kang makilala
Ngunit ako ay tinablan ng aking hiya

Natapos ang araw, wala akong nagawa
Sa ‘yo’y ‘di nakalapit, ‘di ka nakahunta
Ako’y nanghihinayang, bakit natorpe pa
Kahit ang pangalan mo ay ‘di ko man lang nakuha

Mahabang panahong hindi kita nakita
Kahit pa ang paaralan nati’y iisa
Hindi ko man lang magawang masilayan ka
Bakit ang ilap mo sa aking mga mata

Ako’y nag-advance dahil subjects ko ay kulang
Wala ‘kong mapili, kaya Envi. Sci. na lang
May pangyayari pa lang ‘di ko inasahan
Na may kinalaman sa ‘yong nais makamtam

Sa klase ko ng Envi. Sci., ako’y nagulat
Kaklase pala kita do’n, patay tayo d’yan
Dahil siguradong mata ko’y nakadilat
Kakatingin sa ‘yo sa loob ng ilang buwan

Doon ko nalamang ikaw pala’y HRM
Inalam ko ang tungkol sa ‘yo ng palihim
Gayunman, sa iyo’y wala nang nalaman pa
Pero ayos lang, basta kita’y magkikita

‘Di nagtagal, ako’y lalong humanga sa ‘yo
Dahil ika’y mabait at sobrang talino
Sana araw-araw ikaw ang nakikita ko
Para sa pagpasok, ako’y laging ganado

Ngunit natapos din ang aking pagsasaya
Nung ang mahabang bakasyon ay dumating na
Nung tapos nang magturo si Ginoong Tura
Ng Envi. Sci. sa aming estudyante n’ya

Natapos na’ng lahat, meron pa akong problema
Hindi ko pa rin alam ang pangalan n’ya
Doon sa bagay na ‘yon, ako’y sumuko na
Ganun talaga, wala na ‘kong magagawa

“Natapos na’ng lahat”, iyon ang akala ko
Hindi pa pala, kaya nagkamali ako
Kasi kaming dalawa ay muling nagkatagpo
Tadhana nga nama’y napakamapagbiro

Sa FCL Recollection muling nagkita
Engineering at HRM ang magkasama
Kaya naman ako ay sobra ang ligaya
Sobra-sobra na ang aking mga biyaya

‘Di ko inasahang may mas titindi pa do’n
Dahil magkagrupo kami sa Recollection
Mata’y ‘di na lumingon sa ibang direksyon
Sa kanya lang nakatutok ang aking atensyon

Kami’y nagkausap, natupad ang pangarap
Ang saya nito, ako’y nasa alapaap
Gusto mo bang sumama? ay, wag na lang pala
Sosolohin ko na lang ang aking ligaya

Habang nag-uusap ako’y may binigay
Larawang ginuhit ko tungkol sa ‘king buhay
“Ipakita mo ‘topagdating ng Pebrero
Pero ngayon, Ito’y iyo munang itago”

Ang totoo niyan, ako’y mayroong balak
Tungkol sa ginuhit kong napakapayak
Aaminin ko ang laman ng aking puso
‘Pag ang larawang iyo’y kanyang naitago

Dumating at natapos ang buwan ng Pebrero
Wala ‘kong nagawa, kaya walang nagbago
Tapos no’n, ‘di na rin kami nakapag-usap
Ngunit limutin siya’y wala sa hinagap

Marami na kaming mga napagdaanan
Marami na ring mga oras ang nasayang
May isang sikreto akong isasalang
Hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Noong nag-aaral siya, nakita niya ang kanyang crush. Gumawa siya ng paraan para siya’y makilala. Hanggang magkaklase sila sa Env Sci na subject. Akala niya doon ang huli nilang pagkikita. Nagkasama sila ulit sa isang recollection at ibinagay niya ang isang guhit at simula noon ay di na sila nag-usap. Sa tagal na panahon na iyon ay hindi niya nakuha ang pangalan niya.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman. Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Crush. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment