Tula Tungkol Sa Crush: Ang Huli Kong Tula Para Sayo

TULA TUNGKOL SA CRUSH– Sa araling ito, matutunghayan niyo ang tulang “Ang Huli Kong Tula Para Sayo“. Ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay mula sa truyen4u.net.

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Tula Tungkol Sa Crush - Ang Huli Kong Tula Para Sayo
Tula Tungkol Sa Crush – Ang Huli Kong Tula Para Sayo

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa crush.

Tula Tungkol Sa Crush: Ang Huli Kong Tula Para Sayo

At ito ang tula na pinapamagatang “Ang Huli Kong Tula Para Sayo”.

Marami akong tulang inipon,
Sinubukan kong ihayag ang aking damdamin,
Baka sakaling iyo namang mapansin,
Ngunit hanggang pag-aakala lang.

Dahil sa mga inipong tula,
Ay buburahin ko na,
Ngunit bago iyon,
May nais sabihin.

Ito na ang huling tula,
Dito ko na ibubuhos ang aking luha,
Ayaw ko nang masaktan pa,
Dahil may iba ka na.

Itong tula,
Para sa’yo,
Sana ay mabasa mo,
At madama.

Lahat nang aking saloobin,
Mula sa paghanga,
Pagkahulog,
Hanggang sa masaktan.

Sinabi kong tama na,
Ngunit ang puso ko,
Tumitibok pa rin sa’yo,
Pero hanggang dito nalang talaga.

Nais kong sabihing salamat,
Salamat sa araw na napasaya mo ko.
Salamat dahil tumibay ang loob,
Salamat dahil naranasan kong humanga.

Salamat dahil naranasan kong mahulog sa’yo,
Salamat dahil hindi mo ko sinalo,
Salamat dahil ikaw ang nakasakit sa aking puso,
Salamat dahil sa iyo ko binuhos ang mga luha ko.

Hanggang dito na lang talaga ang lahat,
Isang malungkot na pamamaalam,
Sana maging masaya ka,
Huwag mo sana maranasan ang mga bagay na naranasan ko mula sa’yo.

Salamat sa lahat,
Kahit sinaktan mo ang puso,
Magpapasalamat pa rin,
Dahil ito na ang huling tula.

Ang huling tula na magiging laman ay pamamaalam,
Sana tuluyan na akong lumaya.
Lumaya sa mga panaginip kong binuo,
Na kasama ka.

Paalam.
Dahil alam kong kapag wala na ako,
Mas lalong magiging masaya ka,
Mas lalong siya lang ang mamahalin mo.

Huling tula,
Isang pasasalamat,
Ngunit,
May tangis ng pamamaalam.

Buod ng Tula

Ang tulang pinamagatang “Ang Huli Kong Tula Para Sayo” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush. Ang tula ay isang pamamaalam sa kanyang iniibig dahil sa hindi pagpansin sa kanya. Ang may akda ay nagpapasalamat sa naranasan niya noong minahal niya siya. Upang mapalaya ang sarili at maging masaya sila, isinulat niya ang tula bilang pasasalamat at pamamaalam sa kanya.

Aral ng Tula

Ang aral na mapupulot natin sa “Ang Huli Kong Tula Para Sayo” ay dapat maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang nararamdaman sa taong hinahangaan. Huwag matakot na sabihin ang nararamdaman. Kung hindi man maibabalik ang iyong nararamdaman sa kanya, tandaan na pahalagahaan ang sarili. Ikaw ay isang napakagandang tao at may taong magkakagusto rin sa iyo.

Summary

Ang tulang pinamagatang Ang Huli Kong Tula Para Sayo ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Tula Tungkol sa Crush. Para sa iba pang halimbawa ng tula tungkol sa crush, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment