Tula Tungkol Sa Crush – 18 Maikling Tula Tungkol Sa Crush

TULA TUNGKOL SA CRUSH – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa crush ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Crush, sila yong nagbibgay ng magandang at magaang feeling na walang commitment. Ito yung pinakatago-tago mo dahil pag nalaman ng mga kaibigan mo tiyak na tutuksuhin ka nila palagi. Buo na ang araw mo kapag nakikita mo siya at kilig na kilig ka sa tuwing kasama siya na tila matutunaw ka. Dagdag pa rito, kapag nalaman ng crush mo sya maaring magpatuloy ang pagtitinginan niyo o hindi ka niya papansinin dahil hindi ka niya type. Ouch! Ang Sakit!

Kaya sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa crush ibabahagi ko sa inyo ang mga tula ng taong minsan nang nagka-crush. Marahil ay makakarelate ka sa mga malulungkot at masasayang karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa crush.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Crush 2022

Time needed: 10 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Tula Tungkol sa Crush.

  1. Tula Para Kay Crush

    Tula ni kael-EIDOSCOPE

  2. Torpe

  3. Tula Para Kay Crush

    Tula ni bitoks001

  4. Gunita ng Paghanga

  5. Crush

  6. Binibini

  7. Tula Para Kay Crush

    Tula ni Blackballpens

  8. Crush Kita, Alam Mo Ba!

  9. Tula Tungkol Sa Crush Ko Na Mahal Ko Na

  10. Ngiti

  11. Para Kay Crush

  12. Ang Unang Sulyap

  13. Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko

  14. Isang Tula Para Sayo Sinta

  15. Ok Lang

  16. Mahal Na Kita Crush

  17. Ang Huli Kong Tula Para Sayo

  18. Crush Wag Paasa

Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig)

TULA TUNGKOL SA CRUSH 2021 - 18 HALIMBAWA NG TULA TUNGKOL SA CRUSH
TULA TUNGKOL SA CRUSH 2021 – 18 HALIMBAWA NG TULA TUNGKOL SA CRUSH

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Tula Tungkol sa Crush. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tula tungkol sa paghanga at pag-ibig sa inyong crush.

Tula para kay Crush :)

mahal kita :´(
minamahal kita
pero hindi mo nalalaman pinagmamasdan kita
nang hindi mo pansin
gusto kita
pero natatakot akong malaman mo hanggang tingin at pangarap lang kita

sa mga ngiti mo
buo na araw ko
sa tuwing nalalaman ko
ang presensya mo
natutuwa at may halong kaba sa puso ko alam kong hindi tama
ang pagsinta sayo
pero puso ang nagdidiktang mahalin ka
o giliw
kailan kaya mapapansin
ang puso kong bitin na bitin
kahit anong aking gawin
di mo parin pansin

Tula tungkol sa crush ni kael EIDOSCOPE.

Ang tulang pinamagatang Tula Para Kay Crush :) ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

“TORPE”

papano ba mapaparating ang nararamdaman?
kaya ko bang sasabihin saiyo ng harapan?
kung meron lang sana akong lakas ng loob
sa tamang hinala ng maling kutob

bakit sayo lang nagkaganito
sa bituwing tunay na may ganda
bakit sayo, tuluyang nagbago
may paghanga, meron ding pangamba

sinta, di ko sinasadya
may kusa itong paghanga
tadhana ang nagbadya
kaya wala akong magagawa

kung sana kaya kong umilag
kung sana di ako nalalaglag
kung sana kaya kung pumalag
kung sana ang puso di takot mabasag

paano ka ba makikilala
kung di ko kayang lumapit
saan ba to mapupunta
hangarin kailan ba makakamit
marahil masaya na sana ako na aking madinig
matamis na sagot ng malambing **** tinig

ano bang gagawin, di makalapit at di makalalayo
papano kakausapin,kung di masambit ang nais ng puso
sana bigyan ng tapang, ipadama ang pagsuyo
dahil itong naaramdaman di ko kayang isuko

hawakan mo aking mga kamay
dito sa gitna ng yakap humimlay
wag nang malumbay,pangako ko habang buhay
sayo lang iaalay ang pagibig kong tunay

hayaan nating mga mata’y makiusap
sa mga titig **** nakikihiram ng kislap
bakit dito, kung saan ako nakatinag
larawan mo ang bukod tanging lumiliwanag

tulad ka ng rosas sa pula ng labi
tulad ka ng anghel sadyang nakakabighani
sa mahabang buhok, kutis **** malambot, at tamis ng yong ngiti
wala kang katulad, anyong namumukudtangi

nilalang na tulad mo BIYAYA kang mamahalin
sa hamak na tulad ko SUMPA kitang iibigin
oh Nadine, meron pa akong dapat na hiling
kung dinig na ng diyos ang aking panalangin
oh Nadine, bulaklak ka sa hardin
wag mo sanang hayaan ako’y hanggan tingin
na sana’y pakinggan ang aking hinaing
pagkat di ko kayang mabuhay ng wala ka sa akin

Tula tungkol sa crush ni AUGUST.

Ang tulang pinamagatang TORPE ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Tula para kay Crush

Naalala ko pa ang itsura mo
Nung una kang magpakita sa harap ko
May salamin at maigsi ang buhok mo
Di mo alam natulala ako sayo

Ang lihim ko na pag tingin
Di ko na lang sasabihin
Sulyap lang mula sa akin
Saglit lang at di mo pansin

Simpleng minamasdan ka
Bat di ako nag sasawa
Wala ka mang ginagawa
Sayo ako’y namamangha

Pero ako’y nagtataka
Ano nga ba ang meron ka
Bat sayo ko nakikita
Bagay na wala sa iba

Hindi ako makatingin ng direcho
Sa titig mo kapag magkausap tayo
Nakakakilig, kailangang lumiko
Patay malisya nalang ang palusot ko

Siguro ako ay iyong nakilala
Sa mga walang kwenta ko na patawa
Pero bakit hindi kita mapasaya
San ba ang kiliti mo di ko makita

Pero ako’y lalayo at aalis na
makilala ka’y magandang ala ala
Hinding-hindi mo na to malalaman pa
Sapat nang akin nalang itong mag-isa

Kung hindi lang dahil sa kaibigan ko
Na may hinala sa akin tungkol sayo
Kabisado na kasi ako ng loko
Nalaman mo tuloy aking tinatago

Seryoso naman at totoo
Sinasabi man ng pabiro
Huwag ka nang mag rereklamo
Korni ang joke ko na seryoso

Tula tungkol sa crush ni bitoks001 galing sa symbianize.

Ang tulang pinamagatang Tula Tungkol Sa Crush ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Gunita ng Paghanga

Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari’y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.

Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa’t kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw.

Subalit ang dusang nakapanghihina,
pilit napapawi ng mumunting saya.
Ang isang bituing kahali-halina’y
naging hugot-lakas niring pusong aba.

Hindi ko mawari noon yaring dibdib,
tuwing binabaybay ang daang matinik.
Anong ubod sayang naglaro sa isip,
ang sinintang Musa ng aking pagibig.

Simula nang ikaw ay aking mamasdan
O! hangad kong tala sa sangkalangitan,
hindi ko malirip at di na maparam
tila nanggayumang lagi sa isipan.

At magbuhat noo’y aking hinahangad;
ang sangkalangita’y aking malilipad,
upang mahahaplos ang talang pangarap
at isang dahilan niring pagsisikap.

Subalit ang hangad wari’y panaginip
at tila’y malabo itong makakamit.
Pagkat ako’y lupa’t ikaw’y nasa langit,
at kutad ang pakpak at walang pangsungkit.

Ang tanging nagawa, sa layo’y pagmasdan.
Puso’y inaaliw sa taglay **** kinang,
at kung anong siglang sa akin nanahan,
ang sanlibong dipa’y lakaring di pagal.

Iyon ang gunita’t aking kabataan,
doon sa mahal kong ating paaralan.
Kung pagsaulan ko’y pawang kapusukan,
subalit tiyak kong sa puso ay bukal.

Sumapit ang yugtong di ko na namasdan
ang tanging bituing aking minamahal.
Pagkat ay nalayo ako sa tahanan,
upang susuungin ang bago kong daan.

Ang pakiwari ko’y sa taong nagbago,
paghanga’y aayon at ito’y maglaho.
Tulad ng magapok ang buhay na bato,
kung saan inukit ang puso’t ngalan mo.

Taon ay nagdaa’t panaho’y lumipas,
ngunit ang paghanga’y hindi kumukupas.
Hindi ko maarok na lalong nagningas,
nang muling magtagpo ang ating nilandas.

Kaya ninais kong maipapahayag,
ang mga damdaming sa puso’y nailimbag.
Limang ikot-araw ang mga nagwakas,
magpahanggang ngayo’y laging umaalab.

Ikaw ang bituing aking hinahangad,
isa sa nagtanglaw niring aking landas.
Ang Musa sa puso’t tanging nililiyag,
ang umakay niring diwa na sumulat.

At ngayon ay aking naipapabatid,
dito sa talatang nagsalasalabid.
Mula sa paghanga’t tungo sa pagibig,
ang hindi maihayag niring dilang umid.

Papalarin kaya itong abang lingkod,
at mula sa langit ikaw’y pumanaog?
Diringgin mo kaya yaring tinitibok
ng pusong noon pa’y sa’yo umiirog?

At kung yaring akda’y sa’yo walang lasap,
ipaguumanhin ang pusong sumulat.
Ninanais ko lang na maipahayag,
ang aking pagtangi sa’yo at paglingap.

At kung kasadlakan nito’y pagkabigo,
sa aking paglapit, ikaw ay lalayo.
Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo,
nawa’y di burahin ang mga yapak mo.

Tula tungkol sa crush ni RL Canoy.

Ang tulang pinamagatang Gunita ng Paghanga ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig)

Crush

Ang aking  puso ay maligaya
ikaw ang inspirasyon at nagbibigay sigla
Kinakabahan ako pag nasisilayan ka
pinagpapwisan ako pagpalapit ka na

Oh crush hanggang sa panaginip kasama ka
di ka mawala sa isip ko at alaala
lahat ng bagay na gawin mo sa akin ay sinta
paghanga lamang ba talaga  o pagibig na?

Sadyang kay sarap sa pakiramdam pagnakikita ka
kompleto ang araw ko at kay sigla
Binubuhay mo ang  natutulog kung puso
Pinupukaw mo ang damdamin ko at dugo

Pinapangarap ko na ikaw ay makasalo
Iniisip ko lahat yon, ngunit ito ay malabo
Ikaw ay may ibang gusto at hindi ako
Maligaya ka sa kanya ngunit malungkot ako

Sadyang ganito ang ikot ng mundo
Hindi pwede magkapareho at may nabibigo
Ngunit salamat at dumating ka sa buhay ko.
Pinagtpo ngunit di tinadhana

Ito ang madalas sanbitin nila
masakit na may kaakibat na ligaya
Ngunit ito lamang ay sa una
Sa huli ay matatanggap ba?

Tula tungkol sa crush ni Maricar Centino.

Ang tulang pinamagatang Crush ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Binibini.

Binibini, isang liham ang aking isinulat para sa iyo,
Maaari mo bang ibahagi sa akin ang kislap ng iyong kagandahan?
Marami ang nakakakita ng kagandahan ngunit, naipakita mo na ba ang kailaliman?
Sa isang kupas na imaheng namumuo sa aking isipan,
Higit pa ang kalawakan at kung maikukumpara ko sa mga tala sa kalangitan,
Iisa ang isinasaad ng iyong kagandahan. Yun ay ang kalungkutan.
Isang sulyap na tila ba wala ka ng ibang nanaisin pa, o hihilingin.
Ang paghahangad ay labis subalit sasapat sa nagkukulang kong damdamin.
Binibini, bakit nga ba namumuo sa’yong mata ang labis na kalungkutan?
Bakit tila, sa aking pananaw ay nagsasabi na ika’y pagod na?
Bakit ako ang nakakakita ng iyong paghihirap?
Binibini, sa kabila ng lahat ng iyon, nagagawa mo parin na magtiis?
Hanga ako sayo binibini.
Hindi lang paghanga ang aking nadarama.
Higit pa sa matatamis na salita.
Higit pa sa pagpaparamdam ko sa’yo.
Binibini, lubos akong nagmamahal sa iyo.
Maaari ba’ng ako naman ang pakinggan mo?
Na sana ay makarating sa’yo ang lahat ng hangad ko?
Hangad ko ang iyong kaligayahan.
Ngunit hindi ko maipapangako na sa bawat sandali ay naroroon ako para sa iyo.
Hindi ko maipapangako na hindi kita sasaktan.
Hindi ko maipapangako sa iyo na ang bawat alaala sa aking piling ay magiging espesyal.
Sapagkat sa likod ng matatamis na salita ay ang pagkukubli ng masamang hangarin.
Hangarin na ika’y saktan.
Hangarin na sa bawat pangakong binitawan ay walang matupad.
Hangarin na iwanan ka’ng nag-iisa.
At hangarin na mag-iiwan sa iyo ng bakas na magdudulot ng iyong pagkahina.
Hindi ko man maipangako na hindi ka saktan,
Ang aking saloobin sa iyo ay totoo at walang bahid ng kasamaan.
Hindi ko man magawang makapunta sa iyong tabi,
Nakasisiguro ako na makararating sa’yo ang aking alab na damdamin.

Tula tungkol sa crush ni Jasper.

Ang tulang pinamagatang Binibini ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Tula para kay Crush

Isinulat ko itong madamdaming tula
Dahil sa pagtibok ng puso kong bigla
Alam kong ito’y hindi kapani-paniwala
Ngunit dahil sa’yo ako’y naging isang makata.

Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman
Sa lalaking ito’y lubhang tinamaan
Kung hindi ako nagkakamali,
_________ ang kanyang pangalan.

Nung una naming pag-uusap
Parang ako’y nasa ulap
Siya lang ang pinakamimithing pangarap.

Ipagdarasal ko sana ito ay mabasa
Ng taong laman nitong istorya
Pinapangako kong ako’y hindi lilingon sa iba
Basta’t siguraduhin niyang ako’y hindi pinapaasa.

Tula tungkol sa crush ni BlackBallpens galing sa Wattpad.

Ang tulang pinamagatang Tula Para Kay Crush ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

CRUSH KITA, ALAM MO BA!

Noong una kitang makita
Ako’y napa tulala’t napanganga
Sa kagandahan ng loob mo ako napahanga
Na sabi sa sarili ko’y ikaw na nga

Di malilimutan ang iyong magandang ngiti
Pag ika’y nasa palgid, ako’y di mapakali
Nangininig ang tuhod na para bang naiihi
Nama! Ako sayo’s nabighani

Lunkgot sa buhay aking nadarama
Sa tuwing hindi kita nakikita
At kung sa panaginip ay kasama ka
Sana nga, hindi na muling magising pa

Pinapanalangin na sa muling pagkikita
Makasap at makasama ka
Nawa’y wag sanang umatras ang dila
Para’y masabit matatamis na salita

Pinitg ng puso ko’y nag iba
Pana ni kupido saki’y tumama
Paghanga sayo’y di na matakasan pa
Dahil CRUSH KITA, ALAM MO BA!!

Tula tungkol sa crush ni Dissirine.

Ang tulang pinamagatang Crush Kita, Alam Mo Ba! ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Tula Tungkol sa Crush Ko na Mahal Ko na

Aking sinta, akin pang naalala
Yung mga araw na hindi pa tayo magkakilala.
Minsan dumadaan ka saking harapan
at ako naman tong hindi mapihilan na ikaw ay hindi tignan.
Inaamin kong ako ay humahanga sayo.
Oo, sayo mismo.
Para kang bituin saking mga mata na pag nakikita kita
ayokong ikaw ay alisin saking paningin.
Gusto kitang kausapin at pansinin.
Liligawan yun ang nais sabihin.
Kaso hindi ko kayang gawin.
Kaya liligawan kita sa paraan nang pag pansin.
Sa paraan nang pag tingin.
Oo, tama ka. Ligaw tingin ang ibig sabihin.
Kaya minsan naiisip ko kung maniniwala naba ako sa isang kasabihan.
Kasabihan na “pag ibig sa unang tingin” oo, pag ibig aking sinta,
kase minamahal na kita at mamahalin pa kita.
Alam kong ako lang yung nakakaramdam nang ganito
pero sana pag mabasa mo to,
hinihiling ko na sa pamamagitan nang pagbabasa at pagkakita mo
sa tulang to ay manalaytay sa iyong duho,
patungo sa iyong puso ang mga katagang mababasa mo dito
na ginawa ko nang buong puso.
Kung dumating o mangyare man ang pagkakataon na aking hinihiling,
magiging masaya ako dahil iisipin kong ako ay may pag asang ikaw ay aking makapiling. Oo, iisipin kong may pag asa.
Nangangahulugang ako ay aasa.
Aasa kahit walang kasiguraduhan.
Aasa kahit walang patutunguhan.
Aasa kahit walang magandang kahahantungan.
Sapagkat ako sayo’y sobrang tinamaan.
Para bang tinamaan nang pana ni kupido
na kailan may diko pwedeng iwasan.
Iwasan? Oo, minsan naiisip kong umiwas nalang.
Umiwas nalang dahil alam ko sayo akoy kaibigan lang.
Alam ko sakin ikaw ay walang nararamdaman.
Nararamdaman maliban sa isang kaibigan.
Isa lang naman akong hamak na lalake na sayo’y may kakaibang nararamdaman.
Hindi rin liit saking kaalaman kung hanggang kaibigan lang talaga.
Gusto ko lang malaman mo sakin ikaw mahalaga.
Diko alam kung manhid ka para di malaman ang aking mga ginagawa.
Ginagawa sa twing katext ka at pag kasama ka. Oo, kasama.
Napakasaya ko pag kasama ka.
Lalona’t kaangkas ka sa motor tapos sa lilod ko alam ko andun ka.
Para bang ayoko nang huminto pag kasama ka.
Subalit ako ay nasasaktan pag nakikita kong sumasakay ka sa iba.
Sa iba kung saan gusto ka niya.
Sa iba kung saan nakikita kong gusto mo rin siya.
Ang sakit sa mata.
Nakakaramdam ako nang kakaibang kaba mula saking nadarama.
Pero okay lang. Oo, okay lang.
Kase alam ko sayo akoy walang karapatan.
Isa pa, alam kong malabo na magkakagusto ka sakin.
Para bang nasa lugar ako kung saan ang nakikita ko lang ay puro madilim.
Wala ako sa standard mo,
pero pinapangako kong sakin mo makikita ang pagmamahal na hinahanap mo.
Kaya sa puntong ito akoy magtatapat na sayo.
Oo, may gusto talaga ako sayo.
Gusto kita kahit wala lang sayo.
Pasensya kung dinaan ko sa tula ang aking nararamdam.
Sapagkat, sapagkat dito ay mailalabas ko lahat ang aking saloobin.
Masasabi ko lahat ang aking gustong sabihin.
Gustong sabihin na nagmumula saking damdamin.
Di ako magtataka kung sakaling mabasa mo to akoy dimo na papansinin.
Ang mahalaga nasabi ko na ang gusto at nais kong iparating.
Kaya ngayon maluwag na saking damdamin
dahil sa pagkakataong ito nailabas ko na
ang sekretong matagal ko nang kinikimkim at nililihim.
Kaya salamat. Oo, salamat.
Salamat at dahil sayo nagawa ko ang magsulat.
Bilib ako sayo. Ang lakas kase nang tama ko sayo.
Sayo lang aking sinta.
Ikaw ang crush ko na mahal ko na.

Tula tungkol sa crush ni Jey Bii Ell (Superman)

Ang tulang pinamagatang Tula Tungkol Sa Crush Ko Na Mahal Ko Na ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Ngiti

Nakakakilig, matatamis ang iyong mga ngiti
Nakakatunaw ang kinang sayong mga labi

Kakaiba ka sa pakiramdam, napakaganda mo sa loob
Napakaganda tignan ng mala alon mo na buhok

Sabi nila’y, ang mga taong may liwanag ay meron ding lalim
Ano nga bang nasa likod ng ‘yong magagandang tanawin

Nais ko’y lumapit, ngunit papano ako bubwelo
Tunay ngang ang langit ay binabantayan ni san pedro

Ako’y manlalawig, at tumatawag si Laguna
Mukha atang mahirap na’kong pigilan animo’y pumapatak na luha

Nananaginip binibigyan ka ng kwentas ba o singsing
Bagamat ikaw ay isang bituin, sayo’y wala akong hinihiling

Sapat na saking nakatingala, kahit tingin sa sarili ay kawawa
Sapat na saking malaman ang presensya ng isang tala

Ang nais ko lang naman ay magpamalas ng paghanga
At sana, sana ay paglapitin din tayo ng tadhana

Tula tungkol guro ni Omniest Wanderer.

Ang tulang pinamagatang Ngiti ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Para kay Crush

Nung una pa lang kitang nakita
Lintek na kupido
Pinana agad ang puso ko
Kaya ang lakas ng tama sa’yo.

Tila mata’y naka-stick glue
At ika’y nakidikit na sa puso ko
Naghihintay na mahawakan ang iyong kamay
At kung pwedeng sayong tabi na mamatay.

Dahil sa iyong angking kagwapuhan
Kaya naghahari ang aking kalandian
Tila di mapakali
Tulad ng kiti-kiti.

Nang yumingin ka sa akin
Sabay sabi ng “hi” sakin
Parang ako’y biglang hihimatayin
Sabay sabi ng “Oh God, thank you for blessing”.

O “crush” ko
Na “soon to be husband” ko
Na hanggang sa “growing old with you”
Maniniwala na ako sa “forever” pag ikaw ang makakasama ko.

Tula tungkol sa crush ni ms_jamy galing sa Wattpad

Ang tulang pinamagatang Para Kay Crush ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Ang Unang Sulyap

Bagong salta pa lamang sa opisina.
Kaya aking pagpasok ay maaga.
Mula sa pintuan ay diretso agad sa lamesa.
Lamesa kung saan ngalan ay dapat ilagda.

Lagda na bilang tanda nang iyong pagpasok.
Gamit ang pluma na may itim na tatak.
Ngalan at eksaktong oras ng pagdating ang isinulat.
Nang matapos ako’y aalis na ng marapat.

Ngunit sa aking paglingon iyong mukha ang aking nakita.
Ngiti sa iyong labi ang naipinta.
Tila ba ang oras ay huminto.
Ito ang unang sulyap ko sa iyo.

Tula tungkol sa crush mula sa laralorono.wordpress.com.

Ang tulang pinamagatang Ang Unang Sulyap ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Ang Kwento ko at ng Crush ko

Natulala ako nung una kang nakita
Sa loob ng aklatan habang nagbabasa
Ninais ko na kaagad kang makilala
Ngunit ako ay tinablan ng aking hiya

Natapos ang araw, wala akong nagawa
Sa ‘yo’y ‘di nakalapit, ‘di ka nakahunta
Ako’y nanghihinayang, bakit natorpe pa
Kahit ang pangalan mo ay ‘di ko man lang nakuha

Mahabang panahong hindi kita nakita
Kahit pa ang paaralan nati’y iisa
Hindi ko man lang magawang masilayan ka
Bakit ang ilap mo sa aking mga mata

Ako’y nag-advance dahil subjects ko ay kulang
Wala ‘kong mapili, kaya Envi. Sci. na lang
May pangyayari pa lang ‘di ko inasahan
Na may kinalaman sa ‘yong nais makamtam

Sa klase ko ng Envi. Sci., ako’y nagulat
Kaklase pala kita do’n, patay tayo d’yan
Dahil siguradong mata ko’y nakadilat
Kakatingin sa ‘yo sa loob ng ilang buwan

Doon ko nalamang ikaw pala’y HRM
Inalam ko ang tungkol sa ‘yo ng palihim
Gayunman, sa iyo’y wala nang nalaman pa
Pero ayos lang, basta kita’y magkikita

‘Di nagtagal, ako’y lalong humanga sa ‘yo
Dahil ika’y mabait at sobrang talino
Sana araw-araw ikaw ang nakikita ko
Para sa pagpasok, ako’y laging ganado

Ngunit natapos din ang aking pagsasaya
Nung ang mahabang bakasyon ay dumating na
Nung tapos nang magturo si Ginoong Tura
Ng Envi. Sci. sa aming estudyante n’ya

Natapos na’ng lahat, meron pa akong problema
Hindi ko pa rin alam ang pangalan n’ya
Doon sa bagay na ‘yon, ako’y sumuko na
Ganun talaga, wala na ‘kong magagawa

“Natapos na’ng lahat”, iyon ang akala ko
Hindi pa pala, kaya nagkamali ako
Kasi kaming dalawa ay muling nagkatagpo
Tadhana nga nama’y napakamapagbiro

Sa FCL Recollection muling nagkita
Engineering at HRM ang magkasama
Kaya naman ako ay sobra ang ligaya
Sobra-sobra na ang aking mga biyaya

‘Di ko inasahang may mas titindi pa do’n
Dahil magkagrupo kami sa Recollection
Mata’y ‘di na lumingon sa ibang direksyon
Sa kanya lang nakatutok ang aking atensyon

Kami’y nagkausap, natupad ang pangarap
Ang saya nito, ako’y nasa alapaap
Gusto mo bang sumama? ay, wag na lang pala
Sosolohin ko na lang ang aking ligaya

Habang nag-uusap ako’y may binigay
Larawang ginuhit ko tungkol sa ‘king buhay
“Ipakita mo ‘topagdating ng Pebrero
Pero ngayon, Ito’y iyo munang itago”

Ang totoo niyan, ako’y mayroong balak
Tungkol sa ginuhit kong napakapayak
Aaminin ko ang laman ng aking puso
‘Pag ang larawang iyo’y kanyang naitago

Dumating at natapos ang buwan ng Pebrero
Wala ‘kong nagawa, kaya walang nagbago
Tapos no’n, ‘di na rin kami nakapag-usap
Ngunit limutin siya’y wala sa hinagap

Marami na kaming mga napagdaanan
Marami na ring mga oras ang nasayang
May isang sikreto akong isasalang
Hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan

Tula tungkol sa crush JL Poems.

Ang tulang pinamagatang Ang Kwento Ko At Ng Crush Ko ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Isang Tula Para Sayo Sinta

Ang tulang ito ay inaaalay ko sa aking buhay,
Buhay na nagbibigay saya sa bawat lumbay,
Sa bawat araw ay nagsisilbing gabay,
At ang nagiisang taong gusto ko laging karamay.

Mahal, sana’y hindi kana mawala pa sa akin
Hiling ko na habang buhay kang makapiling,
Sa bawat umaga na aking paggising,
Ikaw ang madatnan at yayakapin,

Aaminin kong hindi tayo laging masaya,
May lungkot at galit na minsa’y nadarama,
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga problema,
Pagmamahal ko sayo’y hindi bababa sa sobra.

Mamahalin ko ang tulad mo higit pa saking sarili,
Bibigay kong lahat masilayan lang ang yong ngiti,
Sisikapin kong pasayahin ka palagi,
Dahil ikaw ang dahilan ng galak sa aking mga labi,

Sa bawat paglipas ng panahon ikaw pa rin aking mahal,
Mapasayo akong buo ang aking munting dasal,
Tatawirin ko ano mang harang, balakid at sagabal,
Mapatunayan aking pagibig hanggang sa araw ng ating kasal,

Ikaw ang dahilan ng bawat aking paglaban,
Sa lahat ng bagay na aking pinagdadaanan,
Imahe mo ang nagsisilbing balikat na sandalan,
Salita mo ang nagbibigay sa puso ko ng kapayapaan,

Ang tulang ito ay para sa mahal kong asawa,
Irog ko buong buhay aking sinisinta,
Salamat sa lahat ng binigay mong pag-asa,
Mahal na mahal kita aking Aza.

Mahal na mahal kita
Mahal kita
Ikaw ang aking buhay
Habambuhay.

Tula tungkol sa crush ni Tentalavera.

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Para Sayo Sinta ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Ok Lang

Si crush ay crush lang,
Pero di ko alam kung bakit iba na aking nararamdaman,
Tila kinakabahan pag ika’y nandyan,
At tila di makatingin sayo ng diritsuhan.

Palihim kung ako’y makatingin,
At ako’y umiiwas pag napadapo sa akin ang iyong mga tingin,
Nahihiya kasi ako at nag-aalala,
Na baka makita mo ang mukha kong namumula.

Minsan ay napapa-isip ako,
Kung magugustuhan mo ba ang kagaya ko,
O kaya naman may gusto ka nang ibang tao,
Na mas hihigit pa sa tulad ko.

Okay lang ako,
Ngumingiti pag kaharap mo,
Tumatawa sa mga jokes mo,
Pero umiiyak pag nasa kwarto na ako.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga to,
Pag-ibig na ba ito?
Sana hindi,
Kasi ayaw kong masaktan sa huli.

Tula tungkol sa crush ni ms_jamy galing sa Wattpad.

Ang tulang pinamagatang Ok Lang ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Mahal na kita Crush

“Di ko sukat akalain..
ang matagal ko nang lihim
sayo ay aking pagtatapatin.

Mahal na kita crush..
alam kong mali dahil may mahal kang iba
alam kong di dapat pero pwede pa ba?

Nakakatawa man pakinggan ang aking pagtatapat
pano mo malalaman ang lihim kong damdamin
Kung di ko to sayo sasabihin

Hiling ko lang na sana..
Na kahit malaman mo ay wag kang lalayo
Dahil di ko kakayanin, ako’y mabibigo”

Tula tungkol sa crush ni Grasya mula sa proudpinoy.com.

Ang tulang pinamagatang Mahal Na Kita Crush ay isang halimbawa ng mga maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig)

ANG HULI KONG TULA PARA SA’YO

Marami akong tulang inipon,
Sinubukan kong ihayag ang aking damdamin,
Baka sakaling iyo namang mapansin,
Ngunit hanggang pag-aakala lang.

Dahil sa mga inipong tula,
Ay buburahin ko na,
Ngunit bago iyon,
May nais sabihin.

Ito na ang huling tula,
Dito ko na ibubuhos ang aking luha,
Ayaw ko nang masaktan pa,
Dahil may iba ka na.

Itong tula,
Para sa’yo,
Sana ay mabasa mo,
At madama.

Lahat nang aking saloobin,
Mula sa paghanga,
Pagkahulog,
Hanggang sa masaktan.

Sinabi kong tama na,
Ngunit ang puso ko,
Tumitibok pa rin sa’yo,
Pero hanggang dito nalang talaga.

Nais kong sabihing salamat,
Salamat sa araw na napasaya mo ko.
Salamat dahil tumibay ang loob,
Salamat dahil naranasan kong humanga.

Salamat dahil naranasan kong mahulog sa’yo,
Salamat dahil hindi mo ko sinalo,
Salamat dahil ikaw ang nakasakit sa aking puso,
Salamat dahil sa iyo ko binuhos ang mga luha ko.

Hanggang dito na lang talaga ang lahat,
Isang malungkot na pamamaalam,
Sana maging masaya ka,
Huwag mo sana maranasan ang mga bagay na naranasan ko mula sa’yo.

Salamat sa lahat,
Kahit sinaktan mo ang puso,
Magpapasalamat pa rin,
Dahil ito na ang huling tula.

Ang huling tula na magiging laman ay pamamaalam,
Sana tuluyan na akong lumaya.
Lumaya sa mga panaginip kong binuo,
Na kasama ka.

Paalam.
Dahil alam kong kapag wala na ako,
Mas lalong magiging masaya ka,
Mas lalong siya lang ang mamahalin mo.

Huling tula,
Isang pasasalamat,
Ngunit,
May tangis ng pamamaalam.

Tula tungkol sa crush mula sa truyen4u.net.

Ang tulang pinamagatang Ang Huli Kong Tula Para Sayo ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Crush Wag Paasa

Si crush napaka sungit
Tingin niya sakin laging mapanlait
Na para bang sa lahat ng tao ako ang pina kapangit
Kaya kung minsan siya’y nakakagalit.

Pero pag nag “hi” ka
Papansinin ka niya
Pag tinanong mo kung may girlfriend na
Sasabihin niya wala, pero meron na pala.

Si Crush sobrang paasa
Di kasi niya nafeel iyong nadarama
Sa tuwing titingin ka sa kanya ay nakatingin siya sa iba
Plus nakangiti pa.

Paasa, paasa.
Bakit kaya di na ako kumprontahin kung may pag-asa
Para kung wala edi mabigyan ng chance ang iba
Na sa puso ko maghari at wala ng iba.

Pero crush kahit paasa ka
Gusto pa rin kita
Wala eh, tama mo sakin ay sobra-sobra
Kya sana ang tulang ito’y iyong mabasa.

Tula tungkol sa crush ni airuser_kyla galing sa Wattpad.

Ang tulang pinamagatang Crush Wag Paasa ay isang halimbawa ng mga maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Summary of Tula Tungkol Sa Crush 2022

Ang ating crush ang nagpapangiti sa atin araw-araw. Sila ang nagpapapula sa ating pisngi kapag nakikita natin sila. Sila din ang nagsisilbing inspirasyon natin. Kaya ang artikulong mga Tula Tungkol Sa Crush ay siyang kapupulutan natin ng kilig at inspirasyon na harapin ang ating mga crush.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling tula tungkol sa crush. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Tula Tungkol Sa Crush – 18 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Crush 2022. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment