Tula Ng Isang Mag-aaral : Tula Tungkol Sa Edukasyon

TULA NG ISANG MAG-AARAL – Maraming iba’t-ibang halimbawa ng tula at marami sa ating mga Pilipino ang nawiwiling magbasa ng mga ito. Isa sa mga halimbawa nito ay siyang tatalakayin natin dito.

Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Tula Ng Isang Mag-aaral.” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Ang tulang ito ay isinulat ni Elaiza Mairim B. Garcia.

Sinasaad niya sa tula ang tungkol sa isang mag-aaral na nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral. Sa madaling salita, ito ay halimbawa ng tula tungkol sa mag-aaral na nagsusumikap makamit ang kaginhawaang dulot ng pag-aaral.

TULA NG ISANG MAG-AARAL - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
Tula ng Mag-aaral : Tula tungkol sa Edukasyon

Tula Ng Isang Mag-aaral

Ako, Isang mag-aaral na nangangarap
Hangad ay maayos na kinabukasan
Para sa hinaharap ay ‘di maghirap
Nang ako ay walang pagsisihan bukas.

Sa paaralan ako ay nag-aaral
Bagong kaalaman aking natutunan
Araw-araw ngang nagsisikap ng lubos
Sa mga pagsusulit ay ‘di sumusuko.

Buhay ko’y wala pang kasiguraduhan
Kaya nga ngayon ay pinagsisikapan
Sa Dlyos, ako’y humihingi ng gabay
Para sa aking mahabang paglalakbay…

Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Elaiza Mairim B. Garcia

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tula Ng Isang Mag-aaral

Sa tulang ito, isinaysay ng may akda ang tungkol sa isang mag-aaral na nagsusumikap sa pag-aaral upang makamit ang kanyang mga mithiin sa buhay. Hangad nitong makapagtapos at makamit ang kaginhawaan.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagpapahalaga sa ginagawa na pagsisikap ng ating mga magulang upang tayo ay makapagtapos sa pag-aaral. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at pagsusumikap.

Summary

Ang tulang ito ay tungkol sa isang mag-aaral na nagsusumikap na makapagtapos sa pag-aaral. Pinapahalagahan nito ang pagsisikap ng kanyang mga magulang para sa kanya.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan, kaklase, kapatid, anak, at mga kamag-anak. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment