Tula Example : 10 or Examples of Tula [Tagalog] Halimbawa Ng Tula 2021

Tula Example – In this lesson, you will learn about Tula and example of tula in Tagalog. Ang mga maikling example ng tula Tagalog tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, at pamilya atbp. sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag nagpapahayag ng ideya o kaisipan ng manunulat gamit ang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod. Layunin ng bawat tula na maipahayag ang damdamin ng indibidwal sa paraan ng masining na pagsulat. Isa itong paraan upang maibahagi ang nais iparating, kaisipan at mga imahinasyon nga mga manunulat sa mga tagabasa.

Sana sa pamamagitan nitong mga tula examples ay maging inspirasyon natin para pahalagahan ang ating buhay at kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng mga maikling example of tula sa Tagalog.

See also: Tula Halimbawa at Kahulugan | Examples and Meaning

Tula Example : 10 Example of Tula [Tagalog]

Time needed: 15 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Examples of Tagalog.

  1. Tula Tungkol Sa Pangarap

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pangarap sa buhay ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  2. Tula Tungkol Sa Sarili

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa pagpapakilala sa sarili ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sarili ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  3. Tula Tungkol Sa Ina

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa dakilang pagmamahal sa ina ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kadakilaan ng isang ina ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  4. Tula Tungkol Sa Kaibigan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa kaibigan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa tunay na kaibigan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  5. Tula Tungkol Sa Magulang

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa dakilang pagmamahal at pasasalamat sa magulang ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kadakilaan ng mga magulang ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  6. Tula Tungkol Sa Pandemya

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pandemya (Covid 19) ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  7. Tula Tungkol Sa Guro

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa mga dakilang guro ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa mga bayaning guro ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  8. Tula Tungkol Sa Crush

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa crush ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa crush ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  9. Tula Tungkol Sa Pamilya

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa pamilya ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  10. Tula Tungkol Sa Kalikasan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa kalikasan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  11. Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  12. Tula Tungkol Sa Pag-ibig

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling hugot tula tungkol sa pag-ibig ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pag-ibig sa kasintahan at kapwa ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  13. Tula Tungkol sa Karapatang Pantao

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling tula tungkol sa karapatang pantao ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatang pantao ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  14. Tula Tungkol Sa Kahirapan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling tula tungkol sa kahirapan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  15. Tula Tungkol Sa Diyos

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling tula tungkol sa Diyos ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa pananampalataya, pasasalamat, at pagmamahal sa Diyos at kapwa ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  16. Tula Tungkol Sa Edukasyon

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling tula tungkol sa edukasyon ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa new normal sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  17. Tula Tungkol Sa Droga

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling tula tungkol sa droga ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa droga bilang salot sa lipunan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  18. Tula Tungkol Sa Wika

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling tula tungkol sa wikang Filipino ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling tula tungkol sa wikang Filipino ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Tula Example : 10 Example of Tula [Tagalog]

TULA EXAMPLE - 18 EXAMPLES OF TULA (TAGALOG) 2021
TULA EXAMPLE – 18 EXAMPLES OF TULA (TAGALOG) 2021

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Example of Tula Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga example ng tula Tagalog tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, pamilya atbp. sa Pilipinas.

Example ng Tula Tungkol Sa Pangarap Tagalog

Ang Pangarap Mong Tangan

Pangarap mong tangan tangan,
Isa-puso’t huwag kalimutan;
Tulang ito’y maging kalakasan,
Diyos nawa’y ikaw’y gabayan.

Ano nga ba ang halaga ng inaasam mong tala?
Kung natapakan mo naman ang nagturo, ang naggiya.

Sa rurok ng tagumpay,
Parang walang papantay;
Tila walang kamalay-malay,
Sa kinabukasang naghihintay.

Mapalad silang payak kung mangarap,
Simpleng buhay kaunting sarap;
Sama-samang kumakain sa masiglang hapag,
Magkayakap kung matulog, siksikan sa lapag.

Hindi masama na tayo’y mangarap,
Kung sasamahan yaring pagsisikap;
Kaginhawaan pagkatapos ng hirap,
Walang kasing tamis walang kasing sarap.

Sa kahuli-hulihan’y maging inspirasyon ka,
Ipakitang may pangarap kung wala ang iba;
Magugulat ka sa iyong makikita,
Ningning ng iyong tala sa kanila’y pagpapala.

Tula tungkol sa pangarap ni Francis Morilao mula sa francismorilao.com

Ang tulang pinamagatang Ang Pangarap Mong Tangan ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.

Example ng Tula Tungkol Sa Sarili Tagalog

Tula Para sa Sarili

Nasumpungan kita sa harap ng salamin.
Binabagtas ng iyong dalumat ang bawat bakat,
bawat lamat at pilat ng tatlong dekadang paghahanap
sa balon ng buhay na walanghanggan,
na nakatato sa iyong noo, sa iyong pisngi, sa iyong mukhang
tinatabingan ng iyong buhok na pinahaba upang matakpan
ang iyong mga kasalanan.

Kay tagal nating hindi nagkita bagamat lagi tayong magkasama.
Hindi madalas ang pagsisiyasat natin ng haraya
ng isa’t isa. Ngayo’y tinititigan mo ako na puno ng pag-aakusa
sa walang pakundangan kong pagpikit at pagbubulag-bulagan
tuwing tinatawag ang ating pansin ng mga salaming ating nadaraanan.
Ano ba’ng dapat kong ikatakot, iyong pinagtataka. Bakit ganoon na lamang
ang aking panghihilakbot na lumaot sa karagatan ng salamin?
Ano’ng mga halimaw at bakulaw ba ang hinahaka kong nag-aabang
sa mga alon? Ano’ng multo, ano’ng maligno ang hinihinala kong nagtatago
sa dalampasigan ng mga basag na liwanag? Hindi ba’t ipinagkakait ko sa iyo
ang kalayaang sakupin ang aking daigdig sa pag-iwas
kong sumulyap sa iyong mga mata?

Nasumpungan kita sa harap ng salamin na iyong bintana
sa aking haraya, at aking bintana sa iyo. Napadaan ako para mangamusta
at basahan ka ng ilang mga tulang ninakaw ko mula sa ating pagkabata.
Alam kong uhaw ka na sa mga talinghaga bagamat lagi kang basa
ng liwanag sa karagatan ng repleksiyong basag-basag. Tinanong mo ako
kung ako’y takot pa ring makipagpalitan sa iyo ng pwesto
ngunit ang tugon ko’y isang duwag na “lagi naman kitang kasama
saan man ako tumungo.”

Ang sabi mo’y ang mga bakat, lamat, at pilat ay di iyo kundi akin,
at ako ang uhaw, hindi ikaw, dahil lagi kang basa ng alaala’t pangarap.
Hindi iyo ang sinisiyasat kundi ang mga sarili kong guhit
ng edad, mga titik sa noo kong sumisigaw ng mga tayutay
na hindi ko ginagapos sa dahil sa takot, mga talinghagang hindi
ko hinahaplos upang magbagong-anyo at lumapat sa kaluluwa
kong pagal sa kaiiwas na magtampisaw sa iyong dalampasigan.

Hindi kita nasumpungan, kundi sinadya. Narito ako para mangumpisal
sa likod ng tingin mong mapanghusga. Narito ako para magpasintensiya
at sa wakas ay angkinin ang mga kasalanang pilit
mong tinatakluban ng pinahaba mong mga alaala.
Sinadya kita sa salaming bintana natin sa kaluluwa ng isa’t isa
dala-dala ang mga bangkay ng mga tulang aking pinaslang
habang hindi pa sila isinisilang—balot ng buntung-hininga’t panghihinayang.
Ilalatag ko ang mga ito sa iyong harapan, sa walang-katapusang daang binuksan
ng pakikipagtitigan ng ating mga mata sa basag na liwanag
at pahuhugasan ang mga walang buhay nilang basal na anyubog
sa paro’t paritong mga alon ng mga hinarayang liwanag.
Ibinabalik ko na sila sa iyong laot sa likod ng salaming bintana
at ngayo’y tatanggapin ang panghuhusga ng iyong mga mata.

Sa pag-alis ko’y hinihintay ko ang iyong pag-abswelto.
Ika’y ngumiti at ako’y inayang muling makipagpalitan sa iyo ng pwesto.
Palasap naman ng hangin ng Laguna, ng hampas at sampal ng malamig na awit
ng mga ulap na sinasabayan ng indayog ng mga punong kahoy. Patikim naman
ng mga tulang may amoy, may porma, may lasa. Nais mong maintindihan ang metapora
ng natutunaw na chicharong bulaklak sa iyong dila habang naka-marijuana
ang iyong konsiyensiya. Parinig naman ng panaginip ng buwan, ng bangungot ng araw,
ng mga ninakaw na alaala ng kapre’t tikbalang. Paamoy naman ng pawis sa singit ng birheng
tanaga, ng sangsang ng hininga ng bagong-silang na dalit, ng samyo ng bagong-paslang
na malayang taludturan. Alok mo sa aki’y pagpapatawad kapalit ang mga ito.

Nasumpungan kita sa harap ng salamin.
Iminumuwestra mo sa aking mukha ang simbolo ng krus ng pagpapatawad,
habang dumudura ka ng berso ng kapatawaran.
Lumuluha ako ng duguang berso sa pagsisisi sa aking karuwagan
habang inaanod sa iyong dalampasigan ang mga bangkay ng tula
patungo sa walang-katiyakan. Handa na akong makipagtagisan ng lakas at talino
sa anumang multo o maligno na nakatago sa ilalim ng mga dayandang
sa iyong ibayo. Handa na akong sumiping sa sinumang bakulaw o halimaw
na nagkukubli sa iyong dalampasigan.

Hindi ko babasagin ang bintanang salamin, at hindi ko mamasamain
kung paminsan-minsan ay lilimutin mong tumingin kapag tinatawag ko
ang iyong pansin. Lasapin mo ang daigdig na matagal nang dapat ay iyo;
na ngayon mo lamang tinutuklas dahil sa karuwagan ko,
ako ngayo’y lalangoy sa laot kasama ang mga naagnas kong tula
at paminsan-minsa’y mag-aabang sa salaming bintana ng ating mga kaluluwa
para sa mga pasalubong mong mga tula ng iyong panunuklas
sa balon ng buhay na walang hanggan na susuklian ko
ng mga awit ng aking panghaharaya’t pagtatangkang tumakas.

Tula tungkol sa sarili ni Juan Ekis mula pinoycollection.com.

Ang tulang pinamagatang Tula Para sa Sarili ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa sarili na magbibigay inspirasyon upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.

Example ng Tula Tungkol Sa Ina Tagalog

Para sa Iyo, Inay

21 years ago, ito ay aking kinompose
Ipinahayag ang damdamin sa inang ang pagmamahal ay lubos
Nag-uumapaw na damdamin at paghangang sa puso ay taos
Sa katangi-tanging babaeng sa ami’y bigay ng Diyos:
___________________

Ang pagiging ina ay napakadakila
Karamihan ng babae’y ito ang inaadhika
Talagang maituturing na isang biyaya
Tungkulin at pagkakataong bigay ng Maylikha.

Ang aming inang si HERMINIA, a.k.a….Hermie
Sinuwerteng makatanggap ng biyayang nasabi
Nagluwal sa mundo ng apat na babae
At nabiyayaan pa ng bunsong anak na lalaki.

Mula nang magkaisip ay akin nang narinig
Kung paanong ang mga ate ko’y pinuspos niya ng pag-ibig
Pagkalinga’t pagmamahal na hindi lang isinatinig
Masuyo ring ipinadama sa kandungan niya’t mga bisig.

Bagama’t nagkasakit ang panganay kong kapatid
Sa pagmamahal nama’y hindi niya ito tinipid
Inaruga’t pinagsilbihan nang walang patid
Sa sarili niyang pamamaraan, pag-ibig ay ipinabatid.

Di ba kahanga-hanga ang kanyang ginawa
Ang anak na di-normal ay di niya ikinahiya
Sa halip na abandunahi’y binusog sa pagkalinga
Inalalayan, tinulungan at inaruga.

Sa kabila ng hirap ng dibdib at dusa ni ina
Datapuwa’t natatakot at mayroon pang pangamba
Iniluwal sa mundo ang anak na pangalawa
Isa na namang sanggol ang tinigib ng pagkalinga.

Modelong ina siyang maituturing
Buong tiyagang nagturo sa kanyang mga supling
Kagandahang-asal at wastong pag-uugali
Itinurong dalhin at taglayin parati.

Isa na namang pagsubok ang matatag niyang binata
Pangatlo kong kapatid, namatay noong baby pa
Isa na namang pait ang iniluha nila ni ama
Pagpanaw ng isang anak na bahagi ng buhay nila.

Bawat dusa…bawat pait…
Bawat pagsubok…bawat sakit…
Mga bagay na ito ang nagturo sa kanya
Tatag ng loob at tapang sa pakikibaka.

Dumating ang sandaling, ako naman ang isinilang
Pagmamahal niya’t pagkalinga’y akin mismong naramdaman
Istrikta ma’t disciplinarian, sa concern ay tigib naman
Ipinunlang pagmamahal, natanim sa isipan.

Sa dami na ng pagsubok na sinabana niya
Pagkakasakit ni Tatay ay isang dagdag pa
Ang taong katuwang niya noon pa mang una
Ay nagkaroon ng karamdaman at kailangang pagsilbihan pa.

Datapuwa’t mahirap ay kanyang kinaya
Pagtayong ama at ina ng pamilya
Naging sandigan ng lakas at tapang namin s’ya
Ni Tatay…nina ate…ko…at ng new baby pa.

Ang pagdating ni Paolo rito sa aming buhay
Ligaya ang dulot, saya ang taglay
Naging source of joy namin, bigay ng maykapal
Isang sanggol na witness din ng kay Inay na pagmamamahal.

Ang pagtawag sa Diyos ay di niya nakaligtaan
Mga biyayang natamo’y patuloy na binibilang
Positibong aspeto ng buhay, ang kanya lang tinitingnan
Ang mga negatibo’y pilit kinalimutan.

Mula noon,,,hanggang ngayon, ang galing-galing ni ina
“She emerged victorious”, ito ang sabi nila
Nagsilbing inspirasyon at modelo ng kababaihan
Naging mabuting asawa’t ina…THE REAL ESSENCE OF A WOMAN!
___________________

21 years after ay ganito pa rin si Ina
17 years na ngang retiradong public school teacher ay active na active pa
Kombinasyon ng karakter ay tunay na kakaiba…
Matapang ngunit compassionate at mapagmahal sa tuwina.

Oo nga’t balo na at iniwan na ni ama
Oo nga’t mag-isa nang tumatayong madre at padre de pamilya
Oo nga’t 82 na at karamihan ng buhok ay puti na
Nanatili pa ring strong, at source ng lakas ng pamilya.

Ang line up of activities niya ay hindi pang otsenta’y dos
Naglilinis, namamalengke, nagluluto, naglalaba
Habilinan pa rin siya ng mga apo sa tuwina
Sa pangsimbahan at pangkomunidad na activities ay tunay ngang go na go pa.

Eto po ang inay ko, sobra-sobrang aktibo
Ngunit nananatili pa ring ina namin, mapagmahal na biyenan at nanay ng mga apo
Sa pagmamahal, concern at pagsuporta, ang puso niya ay tigib na totoo
The best ka talaga Inay, sa iyo kami ay saludo!

Eto pong si Inay ay parang si Wonder woman
Kung kami ay may problema at siya ay aming lapitan
Makikinig, magpapayo at magpapalakas ng aming kalooban
Magdarasal, may gagawin and after some time… AYOS NA, OK NA ang turan.

We don’t know how would it be kung hindi siya ang aming Inay
Maalalahaning tunay at palagi naming karamay
Maaaring binigyan kami ng Diyos, ng mga trials sa buhay
But He made them easier, kasi He gave us our Inay.

(A CELEBRATION OF LIFE… INAY’S 82ND BIRTHDAY!!!)
Tula tungkol sa Ina ni Marilou H. Anila mula sa pinoycollection.com.

Ang tulang pinamagatang Para sa Iyo, Inay ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.

Example ng Tula Tungkol Sa Kaibigan Tagalog

Tula Para sa Tropa (Graduation Poem)

Ang High School sa akin ang pinakamasaya,
Dahil mga tunay na kaibigan, dito ko nakilala.
Sinamahan n’yo ako sa saya man o problema,
Hanggang sa huli nating pagsasama.

Tinuruan nyo ako ng mga bagay na dati’y di ko kaya,
Kaya ngayon mas gumaling akong magDotA.
At lalong tinuruan n’yo ako mga tropa,
Na sarili ko’y mas lalong makilala.

Tinuruan n’yo akong maging makapal ang muka.
Sa harap n’yo yata, lahat na ay aking nagawa.
Mag-imba face, pati na sa harap niyo ay mangulangot.
Kaya mga tropa tinuruan n’yo akong huwag matakot.

High School life man nati’y may wakas,
Saya naman nati’y mananatiling wagas.
Hindi pa dito natatapos ang ating pagsasama.
Dahil habangbuhay, kayo ay aking TROPA.

Ang tula tungkol sa kaibigan ay mula sa mahiwagangisip.wordpress.com.

Ang tulang pinamagatang Tula Para sa Tropa (Graduation Poem) ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Example ng Tula Tungkol Sa Magulang Tagalog

Ang Ibon na Kinulong sa Haula

Ako ay katulad sa ibong kinulong sa haula.
Kinulong ako dito ng aking sariling pamilya.
Pinanganak at lumaki, malungkot at magisa.
Tanging ako ng, nagtanda ng walang kasama.

Ang aking haula ay maganda.
Iwan ng magulang, ito ay pamana.
Perpekto itong lahat sana,
kung meron akong kasama.

Lumaking malamig sa tao, kahit sa sariling pamilya,
ayaw kong ganito, magbago ako sana,
sa salang ito ako ay nakokonsensiya,
Puso ko tigilan mo na ito, ako’y nagmamakaawa.

Nayong panahon nakalaya na ako sa haula,
pero di ko parin matigil ang panlalamig sa aking pamilya.
Ito ang pagsisikapan ko, ito ang aking pangako.
Ang relasyon ko sa aking pamilya ay magbabago.

Tula tungkol sa magulang ni Nathaniel Anthony T. Jubac

Ang tulang pinamagatang Ang Ibon na Kinulong sa Haula ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga magulang. Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Example ng Tula Tungkol Sa Pandemya Tagalog

PANDEMYA

Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito

Sa bawat pagpatak ng pawis
dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha
nakatago na dahil sa mga maskarang suot mo

Sa bawat pagtakbo ng oras
dalangin ng lahat ay lunas
takot, pangamba, pag-aalala
iyan and dala-dala ng madla

Sa bawat paglabas ng tahanan
dala-dala ang pangamba
dahil baka pag-uwi mo ng tahanan
nahawaan ka na pala

Ang birus, na isang matinding kalaban
mabagsik, nakapangingilabot
hindi makita, hindi sigurado
ito ang kalabang maaari kang matalo

Bangon, inang bayan
bangon kababayan
mga katagang paulit-ulit nating sasambitin
nang walang pag-aalinlangan

Tula tungkol sa pandemya ni Trisha Pereyna.

Ang tulang pinamagatang PANDEMYA ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang tulang ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

Example ng Tula Tungkol Sa Guro Tagalog

Super Hero ng Buhay ko!

Masaya…
Karamay…
Sandigan…
Gurong Maasahan…

Tama ikaw…
Ang aking ilaw…
Ilaw na patnubay…
Ikaw ang aking kaagapay…

Kapanglawan…
Kapayapaan…
Kaalaman
Kinabukasan…

Guro…
Tama Ikaw…
Tanging kayo…
Super hero ng Buhay ko…

Tula tungkol sa guro ni Raymond Nachor.

Ang tulang pinamagatang Super Hero ng Buhay Ko! ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.

Example ng Tula Tungkol Sa Crush Tagalog

Tula para kay Crush 

mahal kita :´(
minamahal kita
pero hindi mo nalalaman pinagmamasdan kita
nang hindi mo pansin
gusto kita
pero natatakot akong malaman mo hanggang tingin at pangarap lang kita

sa mga ngiti mo
buo na araw ko
sa tuwing nalalaman ko
ang presensya mo
natutuwa at may halong kaba sa puso ko alam kong hindi tama
ang pagsinta sayo
pero puso ang nagdidiktang mahalin ka
o giliw
kailan kaya mapapansin
ang puso kong bitin na bitin
kahit anong aking gawin
di mo parin pansin

Tula tungkol sa crush ni kael EIDOSCOPE.

Ang tulang pinamagatang Tula Para Kay Crush  ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush. Ang tulang ito ay para kay crush na hinahangaan, minahal at minsan pinaasa tayo.

Example ng Tula Tungkol Sa Pamilya Tagalog

Isang Tula Para sa Aking Pamilya

Mula ng ako ay isilang
ako ay nagkaroon ng muwang
upang paglaki ko’y
makapagpasalamat sa aking magulang…

Sa aking AMA na siyang dahilan
kung bakit ako ay may pangalan
salamat sa iyo
ako ay naging tao…

Sa aking INA na siyang nagpalaki
upang pagtanda ko’y maipagmalaki
salamat sa’yo
nagkaroon ako ng magandang mundo…

Sa aking mga KAPATID na mahal ako
salamat sa inyo lumaki ako
binihisan ako para maging katulad nyo
at maipagmalaki pati ng ibang tao…

Hindi man ako perpekto
minsan may pusong bato
pero alam ko dito sa puso ko
walang makakapantay sa inyo…

Ipinagmamalaki ko kayo
dahil ako’y minahal nyo
ng walang kapalit kahit ano
kahit pa madalas selfish ako…

Hindi nyo ako iniwan
sa ano man laban
kasama ko kayo
matalo manalo man ako…

Kung lumaki man ako
sa paraang hindi nyo gusto
pasensya na kayo
dahil may sariling desisyon din ako…

Ssahan nyong sa dulo ng buhay ko
ay mayroon ding pangarap ang katulad ko
nasaktan o nasugatan ko man ang puso nyo
patawad ang pagsamo ko…

Sa aking mga magulang at kapatid
asahan nyong ating pisi ay di mapapatid
dahil sila, kayo at ako ay magiging isa
para magbuklod at maging isang masayang pamilya…

Mahal ko kayo
gumuho man ang mundo
matuyo man ang dagat
kayo pa rin ang hahanapin ko…

Upang paglingkuran lahat kayo
ako ay magbabago
ng pagdating sa dulo
sama-sama pa rin tayo…

Tula tungkol sa pamilya ni Marlyn Adame Autor.

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Para Sa Aking Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. Ang tulang ito ay para sa ating pamilya na nagmahal at nag-aruga sa atin.

Example ng Tula Tungkol Sa Kalikasan Tagalog

Paglalanggas

Sugat sa puso ni Inang Daigdig
Na dulot nang labis na pagkaganid
Mawawala lamang ang naknak at sakit
Kung lalanggasin ng pagkalinga’t pag-ibig.

Bawat pagmamalabis, bunga ay kakulangan;
Bawat pagkukulang, ariing kasalanan;
Walang hustisyang iginawad, nang walang babayaran
Walang buhay na inutang, na buhay din ang kabayaran!

Kaya ang paglalangas, sa puso ni Ina
Ay hindi bukas, o kaya sa makalawa
Ikaw na matalino, nagsasabing pantas ka—
Dapat mong mapagkuro ang panaho’y ngayon na!

Ang tula tungkol sa kalikasan ay mula sa panitikanatbp.wordpress.com.

Ang tulang pinamagatang Isang Tula Para Sa Aking Pamilya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Example ng Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan Tagalog

Bayang Sinilangan

Ako ay Pilipino
Buong pusong minamahal ang aking sariling bayan
Paggalang at pagrespeto ay aking ihahandog
Para sa bayang aking sinilangan

Taglay nitong yaman ay hindi ko sasayangin
Pulu-pulong lupang lumulutang sa dagat
At mga bundok na natataniman ng mga halaman
Ay sapat lamang para sa ating pangangailangan

Kaya ating pangalagaan
Bayan kung saan tayo nagsimula
Dahil tanging hangad lang naman ng ating bayan
ay respetuhin at igalang ng lahat

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Mga Anak ni Rizal (MAR) mula sa emeare.blogspot.com.

Ang tulang pinamagatang Bayang Sinilangan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Example ng Tula Tungkol Sa Pag-ibig Tagalog

Pag-ibig

Pag-ibig na parang pagsikat ng araw
Damdaming tila umaapaw
Ito’y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Pag-ibig na sadyang walang kapantay

Ito’y haplos sa dalampasigan ng mga alon
Kasing ganda ng paghuni ng ibon
Sadyang nakakabighani na parang bahaghari
Ito’y walang sinumang pinipili

Ito’y sinang ng tala sa gabing madilim
Liwanag ng buwan sa kalangitang kulimlim
Pagmamahal na sadyang kay tamis
Damdaming hindi mo matitiis

Ito’y rosas na bumubukadkad
Wari mo’y ibon na lumilipad
Sadyang kay ganda magmahal
Pag-ibig na kailanmay magtatagal

Tula tungkol sa pag-ibig ni Cal Ashiq.

Ang tulang pinamagatang Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling hugot tula tungkol sa pag-ibig. Ang tulang ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Example ng Tula Tungkol Sa Karapatang Pantao Tagalog

Iyan Ang Dapat!

I.
Lahat ng tao ay may karapatang umunlad at matuto,
mabigyan ng edukasyon at oportunidad na sapat.
Maipakita ang kakayahan at makapagtrabaho,
karapatang mamuhay ng payapa, ‘yan ang dapat!

II.
Mayroong kakayahang ipahayag ang kanyang damdamin,
sa mga usaping panlipunan ay makapagsalita nang tapat.
Pantay na karapatan para maibulalas ang mga saloobin,
kalayaang makapagsalita, ‘yan ang dapat!

III.
Tungkuling makapili ng mga pinunong maglilingkod,
mga lider na hindi tiwali at magsisilbi para sa lahat.
Pagbabago para sa edukasyon, pamumuhay, at magandang sahod,
karapatang bumoto tuwing halalan, ‘yan ang dapat!

IV.
Binibigyan ng oportunidad sa pantay na paglilitis,
hustisya ay dapat walang anumang halagang katapat.
Buhay ng isang tao ay di dapat kinikitil nang mabilis,
dapat ay laging sumunod sa batas, ‘yan ang dapat!

V.
Bawat isa sa atin ay mayroong mga karapatan,
sa mata ng batas pantay-pantay tayong lahat.
Mga karapatang pantao dapat nating makamtan,
upang mabuhay ng matiwasay, ‘yan ang dapat!

Tula tungkol sa karapatang pantao mula sa takdangaralin.ph.

Ang tulang pinamagatang Iyan Ang Dapat! ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.

Example ng Tula Tungkol Sa Kahirapan Tagalog

Sigaw Ng Mamamayan

Bawat oras na sumasapit
Patuloy paring pinipilit
Araw-araw na pamamaliit
Ano ba ang dapat ipalit?

Inay, itay
Kumusta ang ating bahay?
Hapag na puro lumbay,
Punong-puno ng kaaway.

Sumisigaw ang sikmura
Maaari bang kumain muna?
“Nasaan ang pagkaing inihanda?”
“Walang perang pambili” tugon ng naghihikahos na matanda.

Hamog sa umaga
Naiwang tulala
Isang batang nakanganga
Naghihintay ng mailalagay sa bunganga.

Eskwelahan dapat ang aming kinalalagyan
Nagsisikap para sa aming kinabukasan
Ngunit ano ang aming kinahinatnan?
Basurahan ang nagsilbing aming tirahan.

KAL-KAL
Mga batang nangangalakal
Laman ng basura ay kinakalkal

“PAGKAIN!PAGKAIN!”
Sumisigaw ang kanilang kalamnan kasabay ng sigaw ng kanilang tiyan.
“PERA!PERA!”
Namamalimos ang kanilang mga mata kaagapay ang kanilang kamay na mababali na

Maghapon ilan ang kita?
Wala pa atang singkwenta
Bukas ay pagiigihan ko pa
Ang hirap pala.

“KAHIRAPAN! KAHIRAPAN!”
Daing ng mga mamamayan
Lumuluha ang bayan
Para silang pinagtaksilan.

Isang libo, dalawa, tatlo
Puro utang na ito
Ano ang ipambabayad ko rito?
Aasahan na naman ang kakarampot na sweldo?

“Ang hirap maging mahirap”
Patuloy na daing ng mga naghihirap. “
Ang hirap maging mahirap”
Ngunit bakit hindi sila magsikap?

Pupunta sa barangay
Haharapin ang kaaway
“Ilang nga ba ang aking inutang?”
Tanong na walang humpay.

Ang iba ay pupunta sa Maynila
Nagbabaka-sakaling may mapapala
Puro na lang bahala
May napala? Wala.

Pamilya sa lipunan
Nakakulong sa kahirapan
Ang iba’y nangingialam
Ang sarap magpatiwakal.

“HINDI TAYO BAGKUS ANG GOBYERNO”
Patuloy na iginigiit
Huwag mo nang ipilit
Binabalot ka na ng iyong galit.

Gobyerno ang sinisisi mo
Sa kahirapang dinadamdam niyo
Kababayan, kasalanan ba ng gobyerno?
Ikaw itong nag-anak ng labing pito.

“HINDI TAYO HINDI ANG GOBYERNO ANG MAY SALA DITO.”
Isang tinig ang lumapit
Nais tunawin ang iyong galit
Magising ka hindi ka minamaliit.

Tumayo ka at magsikap
Manatili kang lubag
Pagkat parating na ang liwanag
Tanggalin lahat ng bagabag.

Ika’y magsikap at makakamtam mo ang asensong aahon sa lugmok ng kahirapang hinihimlayan mo.

Tula tungkol sa kahirapan ni misswithglasses

Ang tulang pinamagatang Sigaw Ng Mamamayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.

Example ng Tula Tungkol Sa Diyos Tagalog

Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin

I.
Ang Diyos ay pag-ibig na alay
Na sa mga tao ay binigay
Ang pag-ibig ay ‘di mawawala
Kahit ang tao’y mamatay pa.

II.
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin
‘Di masusukat ng hanggang tingin
‘Di rin sa salita at awitin
Kundi sa kung paano sarili Niya’y
inalay para sa atin.

III.
Kung marami tayong napagdadaanan
Ito’y parte na ng ating kakayahan
At pagsubok para lumaban
Kasama Siya, ating landas at sandalan.

IV.
Sa kaligayahan, Siya’y huwag kalimutan
Pagkat sa kasaganahan, Siya ang dahilan
At ang kanyang pagmamahal ay walang katapusan
Mararamdaman mo ito, sa hirap at saya man.

V.
Maging maligaya ka dahil may buhay ka
Mangarap ka rin kasama Siya
At laging maniwala sa kanya
Pagkat ikaw tao, mahal ka Niya.

Tula tungkol sa Diyos ni Hannaheart

Ang tula na pinamagatang Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Example ng Tula Tungkol Sa Edukasyon Tagalog

Pamana

I.
Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya
Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.

II.
Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay
Ang aking aral ay pinagbuti at nagsumikap nang walang humpay.
Edukasyon ay aking ginawang tulay
Upang aking makamit ang inaasam na tagumpay.

III.
Sa paglipas ng panahon ay nakamtan ko na rin ang inaasam na biyaya
Ako ay napaiyak at tunay nga na nagalak.
Hawak kamay ko na ang pamana nina ama at ina
Kayamanan na sadyang tangi na kailanman ay hindi maiwawaksi.

IV.
Ngayong ako ay magulang na rin
Lagi kong ipapaalala, sa aking mga pamilya
Na ang edukasyon ay hindi lang mahalaga
Bagkus ito ay namumukod tangi na pamana.

Tula tungkol sa edukasyon sa Pilipinas ni takdangaralin.ph

Ang tula na pinamagatang Pamana ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang mag-aral at ang edukasyon ang susi sa ating mga pangarap sa buhay.

Example ng Tula Tungkol Sa Droga Tagalog

Droga ay Iwasan Para sa Matatag na Kinabukasan

Drogang sa atin ay nakapipinsala
Mga pasakit at hirap ang siyang dala
Walang hatid na rikit sa ating kapwa
Ano ngang buti kung susumpain kita.
Aking kapwa’y aking binababalaan
Sa kapahamakang droga ang may laan
Kung sundin, mainam pag-asa ng bayan
Kung di nama’y paalam aking kaibigan.
Ang Bawal na gamot ay nakamamatay
Kapag sinubukan ay totoong lumalatay
Di lamang sa puso’t isip nang nagbigay
kundi pati sa pamilyang umagapay.
‘Wag nating hintaying tayo’y malulong pa
kundi pati sa pamilyang umagapay.
‘Wag nating hintaying tayo’y malulong pa
Mapaminsalang gamot ay puksain na
Buhay mo, buhay ko atin nang iligtas
Mula sa pinsalang sa ati’y uutas.
Aking minamahal na mga kaibigan
Atin nang piliin ang tamang daan
Drogang mapangwasak, atin nang iwasan
Upang tumibay ating kinabukasan.

Tula tungkol sa droga tagalog ni pleasing_grace

Ang tula na pinamagatang Droga ay iwasan para sa matatag na kinabukasan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa droga. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Example ng Tula Tungkol Sa Wika Tagalog

Ang Wikang Filipino

Ang wikang Filipino ay katangi-tangi
Hindi mapagkakaila ni maitatanggi
Wikang nagbubuklod at nag-iisa
Sa ating lahi, kapuso’t, kapamilya

Nawa’y pahalagahan, at bigya’ng kabuluhan
Pagka’t ang wikang ito ay nag-iisa lang
Walang makapapantay sa tanging karanasan
ng Wikang Filipino, ng mga panahong nagdaan

Lahat napagdaanan para lang makamtan
Kalayaan sa kamay ng mga dayuhan
Dugo’t pawis natamo sa mga kasaysayan
Ngunit hindi ininda, matamong kahirapan

Kaya’t akoy nananawagan sa ating kabatan
Wikang nakamit ay wag nating pabayaan
Ibahagi ang handog ng ating kanunuan
Upang wikay mapreserba at mabigyang kabuluhan

Tula tungkol sa wika ni Grasya

Ang tula na pinamagatang Ang Wikang Filipino ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa wikang Filipino. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay mahalin, tangkilikin at ipagmalaki ang ating sariling wikang pambansa ang Filipino.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Summary of Mga Maikling Tula Example Tagalog

Ang buhay ay sadyang makabuluhan. Ito ang biyaya ng Diyos na ating dapat pahalagahan. Kaya ang artikulong mga Tula Example Tagalog ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na dapat pahalagahan at mahalin natin ang ating buhay.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling tula example Tagalog. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Tula Example – 18 Examples Of Tula Tagalog 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment