Tao Po – Ang salitang “po” ay isang salitang ginagamit sa pagbigay galang sa nakakatanda. Sa tulang isinulat ni Arnel M. Cainglet Jr. na pinamagatang “Tao Po,” matutunghayan natin ang isang tulang tungkol sa karapatang pantao. Siguradong kapupulutan ninyo ng aral ang tulang ito.
Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao.
Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.

Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng sumulat ng tula na ito.
Tao Po
Anong alay natin sa atin pagkatao?
Disiplina, karapatan, at pagrespeto.
Ang po at opo, ang gamit ng pilipino.
Itong aking hingi, karapatang pantao.Lahat tayo ay may sariling karapatan.
Tula tungkol sa karapatang pantao na isinulat ni Arnel M. Cainglet Jr.
Kung ika’y kikilos man, dapat pagisipan...
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Tao Po
Ang tulang “Tao Po” ay isang tula tungkol sa karapatang pantao. Ang ating alay sa ating pagkatao ay ang disiplina, karapatan, at pagrespeto.
At dapat ito rin ang ating kilos na ipapakita sa iba. Laging bigyang halaga ang karapatang pantao dahil ito ay mahalaga. Isang kasalanan ay lahat tayo ay may sala.
Aral ng Tula
Ang aral sa tula na ito ay isabuhay ang karapatang pantao. Lagi nating alalahanin na ang karapatang pantao ay dapat ipakita at isabuhay sa pamamagitan ng ating kilos at gawa.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Tao Po” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.
Inquiry
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!