Tao Ako – Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod at Aral]

Tao ako – Lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Sa tulang “Tao Ako”, ipinapaliwanag ng tula kung bakit tayo ay pantay-pantay. Ang tulang ito ay isinulat ni Leonisa V. Duran. Siguradong kapupulutan ito ng aral ng ating mambabasa.

Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao. Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.

Tao Ako - Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod at Aral]
Tao Ako – Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod at Aral]

Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa karapatang pantao.

Tao Ako – Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod at Aral]

At ito ang tula na pinamagatang “Tao Ako”.

TAO AKO

Ako, sila, tayong lahat,
Dapat tratuhin ng tapat;
My pantay at patas na karapat-dapat,
Sapagkat magkakatulad naman tayo ng balat.

Pagkakapantay-pantay sa harap ng batas,
Karapatang makapaghanapbuhay ng tapat;
Makilahok sa kalinangan at makapag-aral,
Iyon ang mga karapatan;
Na dapat nating tandaan,
Ngayon, bukas at magpakailanman.

Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao,
Tayo ay pare-pareho;
Kaya, halina at ating umpisahan,
Karapatan ay ating pahalagahan.

Tula tungkol sa karapatang pantao ni Leonisa V. Duran

Buod ng Tula

Ang tulang “Tao Ako” ay isang tula nagpapaliwanag na pantay-pantay tayo sa ating karapatan. Dahil lahat tayo ay may karapatan, pare-pareho tayong pantay sa mata ng batas at sa iba pang bagay tulad ng maghanapbuhay at mag-aral kaya dapat natin itong pahalagahaan.

Aral ng Tula

Ang “Tao Ako” ay isang tula na may aral na pangalagaan ang ating mga karapatan dahil ito ay isang biyaya ng ating Diyos na dadalhin natin magpakailanman.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Tao Ako” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Tao Ako – Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod at Aral]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment