Susi Sa Tagumpay : Tula Tungkol Sa Edukasyon

TULA TUNGKOL SA EDUKASYON – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Susi Sa Tagumpay”. Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Sa tulang ito, sinasaad mula sa Facebook na ang edukasyon ang daan upang maabot natin ang ating mga pangarap.

Ang “Susi Sa Tagumpay” ay tungkol sa pagpapahalaga sa edukasyon.

SUSI SA TAGUMPAY - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
TULA TUNGKOL SA EDUKASYON

At narito na ang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon na pinamagatang “Susi Sa Tagumpay.”

Susi sa Tagumpay

Ang edukasyon ay susi sa tagumpay,
Ang lahat ng pagsubok ay naghihintay
Kaya estudyante sunog ang kilay,
Para pagdating ng araw buhay ay makulay.

Sina nanay at tatay patuloy ang kayod,
Upang pangangailangan ay maibigay
Sakripisyo at pawis lahat ibinuwis,
Sa minamahal na anak pawis.

Ang sakripisyo ng magulang ay dapat suklian,
Dapat Anak, matutong magpasalamat!
Sa magandang buhay na natanggap,
At pagsasaludo sa magulang ang dapat.

Ginhawa sa buhay kunin mo,
Mag – aral mabuti ang katapat nito
Magsumikap ka’t magsakripisyo!
Ng sa gayon buhay na maginhawa makamit mo.

Tula sa edukasyon sa modernong panahon mula sa Facebook

Buod ng Tula Tungkol Sa Edukasyon

Sa tula na ito, isinaysay ng may akda na ang edukasyon ay susi sa tagumpay. Tayo ay magpasalamat sa ating mga magulang sa sakripisyong kanilang ibinigay upang tayo ay magtagumpay. Mag-aral ng mabuti, magsakripisyo, at magsumikap upang ginhawa sa buhay ay makamit.

Aral ng Tula Tungkol Sa Edukasyon

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagbibigay halaga sa pag-aaral. Magpasalamat sa ginagawang pagsasakripisyo ng ating mga magulang para sa atin. Atin itong suklian kapag tayo ay naging matagumpay.

Summary

Ang tula na ito ay tungkol sa pag-aaral bilang susi sa tagumpay. Magpasalamat sa sakripisyo ng magulang at bigyang halaga ang pag-aaral upang tagumpay ay makamtan.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maraming salamat sa pagbasa ng Tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are Proud Pinoy!

Leave a Comment