SUSI SA KINABUKASAN – Maraming iba’t-ibang halimbawa ng tula at marami sa ating mga Pilipino ang nawiwiling magbasa ng mga ito. Isa sa mga halimbawa nito ay siyang tatalakayin natin dito.
Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Susi Sa Kinabukasan.” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Remarkable Jose.
Kanyang isinaad na ang edukasyon ang sandatang dapat taglayin ninuman. Sa madaling salita, ang tulang “Susi Sa Kinabukasan” ay tungkol sa pagpapahalaga sa edukasyon.

Susi sa Kinabukasan
Kaalamang taglay kailangang tunay
Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Remarkable Jose
Sandatang dapat taglayin ninunman
Dahil gamit natin sa pang araw-araw
Na matatagpuan sa edukasyon lang
Edukasyong hanap nasa eskwelahan
Tinuturong ganap ng gurong mahusay
Sa mag-aaral sa iba’t ibang lugar
Taglay ang araling mahalagang tunay
Makamit ito ay walang kasing saya
Sapagkat dala ay magandang simula…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Susi sa Kinabukasan
Sa tula na ito, isinaysay ng may akda na edukasyon ang sandatang dapat taglayin ninuman. Makamit ito ay isang simula ng magandang biyaya.
Ito ay isang daan sa tagumpay at susi sa magandang buhay. Ito din ang ating natatanging panangga sa buhay na puro problema.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagbibigay halaga sa pag-aaral sapagkat hindi lamang ito nagbibigay ng magandang buhay sa atin. Ito ay isang bagay na ating maipagmamalaki saan man tayo magpunta.
Summary
Ang tulang ito ay isang halimbawa ng tula tungkol edukasyon bilang sandatang dapat taglayin nino man. Ito ay daan sa tagumpay at susi sa magandang buhay.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay mayroon kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.
Huwag itong kalimutang ibahagi sa iyong mga kaibigan, kaklase, kapatid, o mga kaanak. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!