Sa Gitna Ng Pagsubok – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

Sa Gitna Ng Pagsubok – hindi tayo pinapapabayan ng ating Panginoon lalo na sa gitna ng pagsubok. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang katatagan ng loob sa gitna ng pagsubok. Siguradong kakapulutan ito ng aral ng ating mambabasa.

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Sa Gitna Ng Pagsubok - Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]
Sa Gitna Ng Pagsubok – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Sa Gitna Ng Pagsubok – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

At heto ang tulang pinamagatang “Sa Gitna Ng Pagsubok”.

Sa Gitna ng Pagsubok

Salamat Panginoon sa araw na ito
Muli mong pinadama ang pagpapala mo
Lahat ng biyaya na tinatangap ko,
Walang Ibang nais kundi ialay sa iyo

Sa Araw na ito ako’y gabayan
Pagsubok nawa ay akin nang malampasan
Pagkakataon sana ay muling pagbigyan
Hiling na kagalingan, akin nang makamtan

Alam ko pong ito’y bahagi ng yong plano
Mangyari nawa ang siyang kagustuhan Mo
Salamat panginoon sa buhay kong ito
Palaging Nadarama ang pagmamahal mo

Mga Pagsubok man sa akin ay dumating
Lahat to Poon ko ay handa kong harapin
Ako po nawa ay inyo pang patatagin
Pananampalataya’y lalo pang paigtingin

Tula tungkol sa Panginoon ni BlueDreamer27

Buod ng Sa Gitna ng Pagsubok

Ang tulang ito ay tungkol sa pagtitiwala sa Diyos sa paglampas ng pagsubok. Nagpapasalamat ang may akda sa mga biyayang natanggap niya. Humihingi siya ng gabay sa Panginoon upang malampasan ang mga pagsubok na kanyang hinaharap. Naiintindihan niya na may plano ang Diyos sa kanya at hiling niya na siya ay patatagin ng Diyos sa anumang pagsubok na haharapin.

Aral ng Tula

Ang aral ng tulang ito ay may aral na magtiwala sa Diyos dahil Siya ay may plano para sa atin. Ang lahat ng mga problema at suliranin ay ibinigay Niya sa atin dahil alam niya na kaya natin ito. Gusto rin ng may akda na tayo ay may katatagan ng loob sa gitna ng pagsubok. Walang malaking problema sa Kanya.

Summary

Ang tula na pinamagatang Sa Gitna ng Pagsubok ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Sa Gitna Ng Pagsubok – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment