Sa Diyos na Buhay – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

Sa Diyos na Buhay – isang proweba na matatag ang iyong pananampalataya ay kung ika’y madasalin. Sa tulang ito, isinasaysay ng may akda ang kanyang panalangin ng pasasalamat sa buhay na kaloob ng Diyos. Siguradong kakapulutan ito ng aral ng ating mambabasa.

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Sa Diyos na Buhay - Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]
Sa Diyos na Buhay – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Sa Diyos na Buhay – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

At heto ang tulang pinamagatang “Sa Diyos na Buhay”.

Sa Diyos na Buhay

1
Ipaubaya mo sa palad ng Poon,
Itangis sa Taas at doon ituon,
At galit sa dibdib kagyat na itapon,
Upang sa daigdig ikaw ay maglaon!

2
Dalangin na sana’y iyo nang makita,
Buting nilalayon ng lalong Dakila,
Tumingalang dagli doon sa Bathala
Upang matukoy na ang tunay na nasa.

3
Hindi ito dapat – pakinggan lamang,
Dapat ay dinggin din hanggang walang hanggan,
Tinig na nagbuhat doon sa ulapan,
Ikabig sa dibdib, itibok din naman!

4
Kung sa pangangarap sa dilim ng gabi,
Tinanong mo na nga ang ibig isabi,
Tinig na nagbangon sa mga sandali,
Ay ang gabay mo sa mundong may imbi!

5
Itanong ang daing sa Mahal na Poon,
Kung sa diwa ay may tandang pananong,
Makikitang dagling hindi maglalaon
Ang sagot na ibig sa madaling panahon.

6
Aalagaan ka, kapag ika’y nanalig,
Kahit sinong kalaban iyong madadaig,
Sa Itaas ibigay, pagsamba’t pag-ibig,
Kaligtasan ang bigay na premyong kapalit!

Tula tungkol sa Diyos ni Ariana Trinidad
(poem edited by: Kiko Manalo)

Buod ng Sa Diyos na Buhay

Ang tulang ito ay tungkol sa panalangin ng may akda na sana ay dinggin ito ng Panginoon. Matindi ang kanyang kagustuhan na sana ay dinggin na ng Panginoon ang kanyang hiling. Umaasa siya na matupad na ang kanyang hiling dahil sa siya ay nanalig sa Kanya. Sinasabi rin sa tula na sambahin ang Panginoon dahil ang kapalit nito ay kaligtasan.

Aral ng Tula

Ang aral ng tulang ito ay huwag mapagod sa pagdadasal sa ating Panginoon. Lahat ng dalangin natin ay matutupad kaya’t manalangin lang tayo at magtiwala sa Kanya at laging manalangin ng pasasalamat sa buhay na kaloob ng Diyos.

Summary

Ang tula na pinamagatang Sa Diyos na Buhay ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Sa Diyos na Buhay – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment