Sa Ating Paaralan : Tula Tungkol Sa Edukasyon

TULA TUNGKOL SA EDUKASYON – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Sa Ating Paaralan”. Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Sa tulang ito, sinasaad ng pinoyedition.com na sa paaralan, maaaring matuto at maglibang ang mga kabataan na may gabay ng mga guro.

Ang “Sa Ating Paaralan” ay isang tula tungkol sa pag-aaral sa paaralan.

SA ATING PAARALAN - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
TULA – SA ATING PAARALAN

Sa Ating Paaralan : Tula Tungkol Sa Edukasyon

At ito ang isa sa mga halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon.

Sa Ating Paaralan

Halina, mga kabataan,
Sa ating paaralan;
Doo’y mag-aaral tayo
Upang tayo’y mapanuto.

Tayo ay magsusulat,
Magbabasa ng aklat,
Sa kuwento’y makikinig,
Tutula at aawit.

Tayo ay maglalaro
Ng takbuhan at piko,
Taguan, hagarang taga,
Patintero at sipa.

Naroroon ang guro,
Sa atin ay magtuturo;
Halina, kabataan,
Sa ating paaralan.

Tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon mula sa pinoyedition.com

Buod ng Tula

Sa tulang ito, isinaysay ng may akda ang mga bagay na ginagawa sa paaralan. Hinihikayat nito ang mga kabataan na mag-aral at matutu sa paaralan. Maraming bagay ang maaaring gawin sa paaralan. Maaaring magsulat, magbasa, makinig sa mga kwento, tumula, umawit, maglaro, at matutuo sa turo ng mga guro.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay mas epektibo ang pag-aaral sa paaralan. Marami kang bagay na matututunan at maaaring gawin. Higit sa lahat mayroong mga guro na gagabay sa iyo.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pag-aaral sa paaralan. Maraming bagay ang maaaring gawin sa paaralan. Maaring ito ay pang-edukasyon o libangan. Mayroon rin guro na magtuturo at gagabay sa mga kabataan.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maraming salamat sa pagbasa ng Tula Tungkol Sa Edukasyon. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are Proud Pinoy!

Leave a Comment