Puso Ko At Dalagin – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

puso ko at dalangin – May mga tao talaga na dadarating sa ating buhay na parang binigay siya ng Diyos. Kagaya ng sa tulang ito na pinamagatang “Puso Ko At Dalangin”, may isang tao na nagpatibok sa kanyang puso na parang binigay ng Diyos. Siguradong kakagiliwan ninyo ang buod at aral ng tulang ito.

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Puso Ko At Dalagin - Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]
Puso Ko At Dalagin – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Puso Ko At Dalagin – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

At heto ang tulang pinamagatang “Puso Ko at Dalangin”.

Puso Ko At Dalangin

Sampung Taon na Akong Nangungulila
Pag-asa sa akin ay tila ba nawawala
Ngunit dumating ka ako baga ay nabigla
Ang Diyos pala sa akin ay may inihanda

Pagibig na ito ay isang pagpapala
Ngunit katapangan tila nawawala
Kapag kaharap ka umuurong aking dila
Masasambit pa kaya? Ito’ng aking wika

Puso kong ito, may laging nais sambitin,
Ito raw pagibig ay akin nang sundin
Ngunit ako ba ay iyong mamahalin?
Ako ba ay handa mo ring tanggapin?

Natatakot ako sa iyong sasabihin
Sana nga ako ay talagang mahal mo rin
Ito lamang aking samo’t dalangin
Sana ang puso ko ay iyong dinggin

Tula tungkol sa Diyos ni BlueDreamer27

Buod ng Puso Ko At Dalangin

Ang tulang ito ay tungkol sa pagibig ng may akda sa isang babae na tila hulog ng Diyos. Sinasabi niya sa tula na ang sampung taon siyang nangulila sa pag-ibig. Nang dumating na siya ay parang narinig ng Diyos ang kanyang panalangin. Panalangin niyang dinggin siya ng kanyang iniibig kahit siya ay naduduwag na sabihin ito sa kanya

Aral ng Puso Ko At Dalangin

Ang aral ng tulang ito ay may taong para lamang sa iyo at nareserba na ito ng Diyos sa iyo. Sulit na sulit ang paghihintay mo kapag ang taong darating na kukulay sa iyong buhay ay galing sa Panginoon.

Summary

Ang tula na pinamagatang  Puso Ko At Dalangin ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Pakibulong Sa Diyos – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment