Pilipinas, Pilipinas Kong Mahal – Tula sa Pagmamahal sa Bayan

PILIPINAS, PILIPINAS KONG MAHAL – Masakit isipin kung ang mahal mong bayan ay hindi umuunlad. Ang tulang “Pilipinas Kong Minamahal” ay isang tulang nagpapahiwatig ng kalungkutan tungkol sasinapit ng bayan na isinulat ni Norfhel V. Ramirez.

Ang pagmamahal sa bayan ay isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat Pinoy. Ito ay dapat na isaisip at isapuso nating lahat. Hindi natin ito dapat ikahiya at atin itong ipagmalaki. Kahit sa pinaka-simpleng paraan ay mahalagang ipakita natin ang pag-ibig natin sa Inang Bayan.

Tula tungkol sa Pagmamahal sa Bayan - Pilipinas, Pilipinas kong Mahal
Isang Tula tungkol sa Pagmamahal sa Bayan

Ating tunghayan ang tulang “Pilipinas Kong Minamahal” na siguradong makapagbibigay inspirasyon sa ating mga Pilipino na maging makabayan at maging isang proud Pinoy!

Pilipinas, Pilipinas Kong Mahal

Pilipinas, Pilipinas kong mahal…
Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal…
Kahirapan ang daing ng karamihan…
Bayan ko kaya ay makaahon pa…

Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan…
puro daing ang binibitiwan…
Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan…
pero paano ang ating bayan…

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Norfhel V. Ramirez

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Pilipinas, Pilipinas Kong Mahal

Ang tulang tungkol sa pagmamahal sa bayan na “Pilipinas, Pilipinas kong Mahal” ay nagpapahiwatig ng pagkadismaya sa sinapit ng bansa. Tinatanong ng may akda bakit inuuna pa ang sariling kapakanan kaysa sa bayan.

Dismayado rin siya sa mga politiko na puro korupsyon ang ginagawa at nagpapabango lamang kapag may eleksyon. Inaangkin na ng ibang bansa ang ating likas na yaman upang maging mayaman lamang ang iba. Tanong niya ay bakit nawala na ang ipinaglaban ni Rizal at ang mga sakripisyo ng ating mga bayani.

Tugon ng may akda na sana ay pagnilayan natin ang mga nagaganap at huwag kalimutan ang ating bayan.

Aral ng Tula

Ang aral ng tulang “Pilipinas, Pilipinas kong Mahal” ay mahalin ng buong buo ang pagka-Pilipino natin. Yakapin natin ng lubos ang mga katangian natin bilang Pilipino sapagkat ito ang ating pinanggalingan.

Summary

Ang tulang pinamagatang  “Pilipinas, Pilipinas kong Mahal” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na itoPara sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment