Pilipinas Kong Minamahal – Tula sa Pagmamahal sa Bayan [Buod at Aral]

BAYANG SINILANGAN – Ang pagiging makabayan ng isang tao ay talaga namang kaaya-ayang katangian lalo na sa modernong panahon. Ang tulang “Pilipinas Kong Minamahal” ay isang tulang nagpapahiwatig ng pagmamahal sa bayan. Isinulat ito na ni Mga Anak ni Rizal (MAR) at siguradong magbibigay inspirasyon sa ating mga kapwa Pilipino!

Ang pagmamahal sa bayan ay isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat Pinoy. Ito ay dapat na isaisip at isapuso nating lahat. Ang pagmamahal sa bayan ay isang bagay na dapat huwag nating ikahiya at dapat natin itong ipagmalaki. Kahit sa pinaka-simpleng paraan ay mahalagang ipakita natin ang pag-ibig natin sa Inang Bayan.

Pilipinas Kong Minamahal - Tula sa Pagmamahal sa Bayan [Buod at Aral]
Pilipinas Kong Minamahal – Tula sa Pagmamahal sa Bayan [Buod at Aral]

Ating tunghayan ang tulang “Pilipinas Kong Minamahal” na siguradong makapagbibigay inspirasyon sa ating mga Pilipino na maging makabayan at maging isang Proud Pinoy!

Pilipinas Kong Minamahal – Tula sa Pagmamahal sa Bayan

At ito ang tula na pinapamagatang “Pilipinas Kong Minamahal”.

Pilipinas kong Minamahal

Ako’y Pilipino
Pilipinong totoo
Aking dugo at pawis iaalay ko
Para sa bansang iniirog

Aking itsura, aking ipinagmamalaki
Ako’y di tulad ng iba
Pagkat sa Pilipinas nanggaling
Bansang ito’y labis na mamahalin

Buod ng Tula

Ang tulang tungkol sa pagmamahal sa bayan na “Pilipinas Kong Minamahal” ay nagsasabi na ipinagmamalaki niya ang kanyang pagka-Pilipino. Sinasabi ng may akda na handa siyang magsakripsyo sa kanyang bayan. Ipinagmamalaki din niya ang kanyang mga katangian na likas sa Pilipino. Labis niyang mamahalin ang kanyang bansa.

Aral ng Tula

Ang aral ng tulang “Pilipinas Kong Minamahal” ay mahalin ng buong buo ang pagka-Pilipino natin. Yakapin natin ng lubos ang mga katangian natin bilang Pilipino sapagkat ito ang ating pinanggalingan.

Summary

Ang tulang pinamagatang  “Pilipinas Kong Minamahal ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Pilipinas Kong Minamahal – Tula sa Pagmamahal sa Bayan [Buod at Aral]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Reply

%d bloggers like this: