Para Sa Mga Paaralan : Isang Tula Tungkol Sa Edukasyon

PARA SA MGA PAARALAN – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Para Sa Mga Paaralan.” Ito ay halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Joshua Rommel H. Vargas.

Isinasaad sa tula na ang bawat estudyante ay may kanya-kanyang alam at kakayahan. Sa maikling salita, ang tulang “Para Sa Mga Paaralan” ay tungkol sa pagrespeto sa kakayahan ng bawat estudyante.

PARA SA MGA PAARALAN - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
Isang Tula Tungkol Sa Edukasyon

Para sa mga Paaralan

Hindi pareho ang lahat
sa alam at kakayahan
May mga magaling sa Math
o, kundi, sa kasaysayan.

May mga estudyanteng mahusay
sa iba’t-ibang gawain sa buhay
ngunit wala silang pakialam
para sa mga detalye ng agham…

Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Joshua Rommel H. Vargas

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Para sa mga Paaralan

Sa tula na ito, isinaysay ng may akda na mayroong iba’t-ibang alam at kakayahan ang bawat estudyante. May mga estudyante na mahusay sa buhay ngunit walang pakialam sa detalye ng agham. Hindi lahat pareho ang alam at kakayahan kaya’t sana ay may pakialam ang lipunan sa kanila.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagrespeto sa kakayahan at alam ng bawat isa. Kung sa tingin mo ay mas matalino ka kaysa sa iyong kapwa isipin mo na may mga bagay din siyang alam at kayang gawin na hindi mo alam at kaya.

Summary

Ang tula na ito ay tungkol sa pagrespeto sa kakayahan at alam ng bawat estudyante sa paaralan. Isinaysay ng may akda na bawat estudyante ay may kanya-kanyang alam at kakayahan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay mayroon kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.

Huwag itong kalimutang ibahagi sa iyong mga kaibigan at mga kakilala. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment