Pamana : Isang Tula Tungkol Sa Edukasyon

PAMANA – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Pamana.” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Ang tula na ito ay nagmula sa takdangaralin.ph na nagsasaad na ang edukasyon ay isang bagay na dapat nating pahalagahan.

Ito ay isang tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sapagkat ito ang natatanging pamana ng isang magulang sa kanyang pamilya.

PAMANA - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
Isang Tula tungkol sa Edukasyon

Pamana

I.
Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya
Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.

II.
Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay
Ang aking aral ay pinagbuti at nagsumikap nang walang humpay.
Edukasyon ay aking ginawang tulay
Upang aking makamit ang inaasam na tagumpay…

Tula tungkol sa edukasyon na nagmula sa takdangaralin.ph

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Pamana

Ito ay isang halimbawa ng tula tungkol sa edukasyon. Sa tula na ito, isinaysay ng may akda na ang edukasyon ang natatanging maipapamana ng isang magulang sa kanyang mga anak. Sinasaysay rin sa tula ang pagsisikap ng isang anak sa pag-aaral.

Dahil dito, nakamit niya ang inaasam na tagumpay at hawak kamay na ang pamana ng kanyang ama at ina. At nang siya ay naging magulang na din, pinapaalala niya sa kanyang pamilya na ang edukasyon ay hindi lang mahalaga, ito ay namumukod tanging pamana.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagpapahalaga sa edukasyon. Sa pamamagitan ng pagsisikap at sa tulong ng mga magulang, mapagtatagumpayan natin ang ating mga mithiin at pangarap sa buhay. Ang pag-aaral o edukasyon ay hindi lamang mahalaga, kundi ito ay isa ring namumukod tanging pamana.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Pamana” ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagpapahalaga sa edukasyon sapagkat ito ay isang natatanging pamana sa atin ng ating mga magulang.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment