New Normal Sa Edukasyon : Isang Tula Tungkol Sa Edukasyon

NEW NORMAL SA EDUKASYON – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “New Normal Sa Edukasyon“. Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Ang tula na ito ay isinulat ni Melinda F. Bustamante.

Isinasaad niya sa tula na sa kabila ng pandemya, may tatlong stratehiya na pinatupad ang departamento ng edukasyon at kaugnay na organisasyon upang matuloy ang balik-eskwela.

Sa maikling salita, ito ay isang tula tungkol sa mga stratehiya upang matuloy ang balik-eskwela.

NEW NORMAL SA EDUKASYON - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
New Normal sa Edukasyon : Isang Tula tungkol sa Edukasyon

New Normal Sa Edukasyon

Sa kabila ng panawagan at agam-agam ng mga magulang,
Tuloy pa rin ang balik-eskwela sa nalalapit na pasukan,
Ngunit di gaya ng dating tradisyunal na pagpasok sa paaralan,
Departamento ng Edukasyon at kaugnay na organisasyon ay gumawa ng paraan.

Depende raw sa tinatawag na “Public Health Situation”,
Dahil sa pandemya’y malabo ang face-to-face learning tradition,
Lalo pa’t marapat na sundin ang “social distancing” at pagsuot ng mask bilang proteksyon,
Kaya’t hain ay alternatibo, pinag-isipan ang isasagawang solusyon.

Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Melinda F. Bustamante

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng tulang New Normal sa Edukasyon

Sa tulang ito, isinaysay ng may akda na sa kabila ng panawagan at agam-agam ng mga magulang, tuloy pa rin ang balik-eskwela. Dahil sa pandemya, ang face-to-face learning tradition ay napalitan ng “Online Distance Learning” o “Online Class.”

Sa mga estudyanteng di kaya ang online class, nariyan ang Modular Distance Learning. Blended learning naman ang kombinasyon ng dalawang stratehiya. Gabay ng magulang at motibasyon ng mag-aaral na matuto ang pinakamahalaga.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay sa kabila ng mga nangyayari sa ating paligid, importanting huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sapagkat, maraming paraan o stratehiya ang maaari nating gawin upang maipagpatuloy natin ang ating mga pangarap at hangarin sa buhay.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng tula tungkol iba’t-ibang stratehiya na ginawa ng departamento ng edukasyon at kaugnay nitong organisasyon.

Ito ay ang Online Distance Learning, Modular Distance Learning, at Blended Learning. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, gabay ng magulang at motibasyon ng mag-aaral na matuto ang pinakamahalaga.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment