Lahat ng Tao’y may Karapatan – Buod at Aral [Tula sa Karapatang Pantao]

Lahat ng Tao’y may Karapatan – Walang taong gustong apihin ang kanilang karapatang pantao kaya naman ang tulang ito ay mensahe para sa atin. Ang tulang “Lahat ng Tao’y May Karapatan” ay isang tula na tungkol sa paano ipaglaban ang ating karapatang pantao. Siguradong may aral kang mapupulot sa pagbabasa nito.

Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao. Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.

Lahat ng Tao'y may Karapatan - Buod at Aral [Tula sa Karapatang Pantao]
Lahat ng Tao’y may Karapatan – Buod at Aral [Tula sa Karapatang Pantao]

Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa karapatang pantao.

Lahat ng Tao’y may Karapatan – Buod at Aral [Tula sa Karapatang Pantao]

At ito ang tula na pinamagatang “Lahat ng Tao’y may Karapatan”.

Lahat ng tao’y may karapatan

tayo’y hindi dapat magpaapi na lamang
sa sinumang taong pawang mga gahaman
dapat matuto ngang sa kanila’y lumaban
pagkat mga tulad nila’y pawang iilan

lahat ng tao sa mundo’y may karapatan
na mabuhay sa mundo ng may kalayaan
‘di niya karapatang maapi ninuman
at ‘di rin karapatang mapagsamantalahan

ngunit karapatan niyang makipaglaban
at huwag mabuhay sa takot kaninuman
kaya nga maraming bayaning nagsulputan
para sa paglaya’y nakikipagpatayan

sa sama-sama’y may lakas tayo, kabayan
ipakita natin ang ating kalakasan
ating babaguhin ang bulok na lipunan
at ating dudurugin ang ating kalaban

Tula tungkol sa karapatang pantao ni Greg Bituin

Buod ng Tula

Ang tulang “Lahat ng Tao’y may Karapatan” ay isang tula tungkol sa karapatang pantao. Sa tula, sinasabi na walang sinuman ang gustong apihin kaya dapat na tayong matutuo na ipaglaban ito. Lahat tayo ay may karapatan at isa na doon ay karaptan na ipaglaban ito. Hinihikayat ng may akda na tayo ay magsama-sama sa pagbago ng bulok na lipunan.

Aral ng Tula

Ang aral sa tula na ito ay huwag matako na ipaglaban ang ating karapatan. Nandito tayo sa mundo upang mabuhay ng walang takot at may respeto sa isa’t isa kaya matuto tayong ipaglaban ang mga karapatan natin.

Summary

Ang tulang pinamagatang “Lahat ng Tao’y may Karapatan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Lahat ng Tao’y may Karapatan – Buod at Aral [Tula sa Karapatang Pantao]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment