Karapatang Pantao: Saan Ka Patungo – Marami ng nangyari sa ating kasaysayan na may kinalaman sa karapatang pantao. Saan nga ba tayo patungo sa aspetong ito?
Ang tulang ito ay isang tanong sa ating bansa kung saan patungo ang karapatang pantao sa bansa. Siguraadong kapupulutan ito ng aral ng mga mambabasa.
Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao.
Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.

Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng sumulat ng tula na ito.
Karapatang Pantao: Saan Ka Patungo?
Isinilang ang tao, kambal ang karapatan
Karapatang pantao hindi minamana
Likas at natural dadalhin hanggang kamatayan
Nakapaloob sa banal na Koran at Bibliya.Mahaba na yaring kasaysayan
Subalit karapatang pantao
Madalas pang pagdebatehan
Karapatang pantao, saan ka patungo?Iba’t-ibang teorya na ang pinagmulan
Tula tungkol sa karapatang pantao na isinulat ni Ernie Urriza
Maraming teorya din nagpakahulugan
Subalit karapatang pantao madalas yurakan
Diskriminasyon at paglabag, sadyang talamak…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Karapatang Pantao: Saan Ka Patungo?
Ang tulang “Karapatang Pantao: Saan Ka Patungo?” ay isang tula na nagtatanong kung saan patungo ang karapatang pantao sa ating bansa. Sa tula, sinasabi na kakambal ng pagsilang sa atin ang ating karapatan.
Mahaba na ang ating kasaysayan ngunit bakit patuloy pa rin pinagdedebatihan ang paksang ito. Kay dami ng mga eorya ang nabanggit ngunit ang karapatang pantao ay patuloy na yinuyurakan.
Ang katotohanan sa karapatang pantao ay isang tanong kung pantay nga ba ito. Tanong ng may akda ay saan siya lulugar kung ang kanyang karapatan ay walang patutunguhan. Sana ay maging positibo ito sa balang araw.
Aral ng Tula
Ang tula na ito ay may aral na maging mapagbantay sa mga usaping tungkol sa karapatang pantao. Huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nangyayaring pagtapak sa ating karapatang pantao.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Karapatang Pantao: Saan Ka Patungo?” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.
Inquiry
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!