Karapatan sa Buhay at Dignidad – Ang tulang “Karapatan sa Buhay at Dignidad” ay isang tula na nagbibigay halaga sa ating mga karapatan. inilalarawan sa tula ang importansiya ng karapatan sa buhay at dignidad. Ang tulang ito ay makapagbibigay sa inyo ng aral tungkol sa karapatang pantao.
Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao.
Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.

Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng sumulat ng tula na ito.
Karapatan sa Buhay at Dignidad
Buhay ko, Buhay mo,
Tula tungkol sa karapatang pantao na isinulat ni Ginoong Jetty G. Orozco
Buhay nating lahat
Sa mundong ito, lahat tayo
ay namulat.
Wala na yatang bagay na bago
sa ilalim ng araw
ay hindi pa nasisiwalat,
Bagay na di dapat ikagulat.
Sa simula’t sapul
Ng tayo pa ay mumunting
supling at sanggol
Habang akay-akay
ng ating magulang
May dignidad na sa atin
ay lumulatang
Basehan na tayo ay may
karapatang mabuhay,
ipagpatuloy ito, maging masaya
at magtagumpay…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Karapatan sa Buhay at Dignidad
Ang tulang ito ay isang tula nagpapaliwanag ng importansiya ng ating mga karapatan. Ipinapaliwanag ng tula na ang ating karapatan at kalayaan ay kakambal na natin noong tayo ay sinilang at walang bagay ang makakapatay dito.
Dapat natin itong protektahan lalo na ang karapatan natin na maging malaya. Kahit ano pa ang estado sa buhay at anyo mo ay may karapatan ka at dapat itong proteksyunan.
Aral ng Tula
Ang aral ng tula na ito ay dapat pahalagahaan natin ang ating mga karapatan dahil ito ay mahalaga na higit pa sa anumang materyal na kayamanan.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Karapatan sa Buhay at Dignidad” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.
Inquiry
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!