Karapatan at Kalikasan – Isang Tula Tungkol sa Karapatang Pantao

Karapatan at Kalikasan – Karapatan nating pangalagaan ang ating kalikasan ngunit ginagawa ba natin ito? Sa tulang ito, sinasaysay ang mga ginagawa ng mga tao sa ating kalikasan. Siguradong kakapulutan ito ng aliw at aral ng ating mambabasa.

Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao.

Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.

Karapatan at Kalikasan - Tula sa Karapatang Pantao [Buod at Aral]
Isang Tula Tungkol sa Karapatang Pantao

Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng sumulat ng tula na ito.

Karapatan at Kalikasan

tayong tao raw ang tagapangalaga
nitong kalikasang bigay ni Bathala
ngunit ngayon tayo’y tagapangasiwa
nasa diwa’y tubo sa pamamahala

“yaong mga puno’y sibaking tuluyan
gawin nating troso upang pagtubuan
at nang mga ito’y maging kasangkapan
at malaking ambag pa sa kaunlaran”

at ang dugtong pa ng kapitalista:
“itapon sa dagat ang mga basura
na pawang nalikha sa ating pabrika
at nang makatipid sa tuwi-tuwina”…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Karapatan at Kalikasan

Ang tulang ito ay isang tula na nagtatanong kung pinapangalagaan ba natin ang ating kalikasan. Ating karapatan sa pag-aalaga ng kalikasan ay tila napabayaan dahil sa pangsariling motibo.

Ang ating mga likas na yaman ay sinisira dahil sa tubo lang ang iniisip. Sadyang kawawa ang ating kalikasan. Karapatan nating pangalagaan ang ating kalikasan at hindi gawing basurahan.

Aral ng Tula

Ang tulang ito ay may aral na alagaan ang ating kalikasan dahil ito ay ating karapatan bilang tao. Ang pangalagaan ang kalikasan ay ating karapatan na dapat gampanan lalo na sa panahon ngayon.

Summary

Ang tula na pinamagatang “Karapatan at Kalikasan” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment