Kamay na Bakal – ang istriktong pamamahala ng ating gobyerno ngayon ay mainit sa mga mata ng mga lumalaban para sa karapatang pantao. Ang tulang “Kamay na Bakal” ay isang tula na nagbabatikos sa pamahalaan dahil sa mga isyu ng karaptang pantao. Siguradong may mapupulutang aral ang sinoman na makakabasa nito.
Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao. Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.

Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa karapatang pantao.
Kamay na Bakal- Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod At Aral]
At heto ang tulang pinamagatang “Kamay na Bakal”
KAMAY NA BAKAL
malaking problema kung mismong nasa pamunuan
ay di nauunawa ang pantaong karapatan
patay dito, patay doon, bugso ng kamatayan
para naman daw maging payapa ang taumbayantama bang namumuno sa pambibistay masanay
para raw sa kapayapaan, uutas ng buhay
di na daraan sa proseso, may dugo ang kamay
ganito bang paraan ang wasto, kita’y magnilaykung iiral ay ganyan, saan na tayo patungo
mananahimik na lang ba’t di na tayo kikibo
di ba’t di wasto kung tao’y basta pinapaglaho
di ba’t di kapayapaan kung ligalig ang pusokung basta na lang mamamaslang ang kamay na bakal
Tula tungkol sa karapatang pantao ni Gregorio V. Bituin Jr.
siya’y pusakal ding higit pa sa laksang pusakal
Buod ng Tula
Ang tulang ito ay isang tula nagpapaliwanag ng paglapak sa mga karapatang pantao ng gobyerno. Isinasaysay sa tula na talamak ang patayan sa bansa dahil sa kamay na bakal ng presidente. Sa tula, sinasabi na hindi ito ang solusyon at sinasabi na isang pusakal na higit pa sa pusakal ang namumuno sa atin ngayon.
Aral ng Tula
Ang aral ng tula na ito ay huwag manahimik kapag tinatapakan ang ating karapatang pantao kahit ito pa ay ang ating sariling gobyerno. Karapatan natin na mabuhay ng payapa at hindi solusyon ang pagpaslang ng mga tao.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Kamay na Bakal” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.
Inquiry
Maraming salamat sa pagbasa ng Kamay na Bakal- Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod At Aral]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- Tula Tungkol Sa Kalikasan – 25 Maikling Tula Tungkol Sa Pangangalaga At Pagmamahal Sa Kalikasan 2021
- Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya 2021
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Tula Tungkol Sa Pandemya – 10 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Panahon Ng Pandemya (Covid 19) 2021
- 30 Tula Tungkol Sa Guro (Pasasalamat Sa Mga Guro Ngayong Pandemya) 2021
- Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig) 2021
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021