Isulong Ang Bagong Edukasyon : Tula Tungkol Sa Edukasyon

TULA TUNGKOL SA EDUKASYON – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Isulong Ang Bagong Edukasyon”. Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Sa tulang ito, sinasaad ni Makata O. na dahil sa Covid, may new normal sa DepEd.

Ang “Isulong Ang Bagong Edukasyon” ay isang tula tungkol sa Alternative Learning Modes na ipinatupad upang edukasyon ay maisulong.

ISULONG ANG BAGONG EDUKASYON - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
ISULONG ANG BAGONG EDUKASYON – TULA

Isulong Ang Bagong Edukasyon : Tula Tungkol Sa Edukasyon

At ito ang isa sa mga halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon na pinamagatang “Isulong Ang Bagong Edukasyon”.

Isulong ang Bagong Edukasyon

Dahil sa pandemyang CoviD
May New Normal sa DepEd
Dapat nating lahat na mabatid
Na ito’y hindi isang balakid
Kundi solusyon ang hatid.

Ituloy natin ang edukasyon
Alternative learning modes
at safety and health measures
Ay handang-handa na
Kahit vaccine ay wala pa.

Kundi kaya ng Face to Face Learning,
May Distance Learning
para may social distancing
Nariyan ang online, modular, at tv/radio-based learning
Isali mo pa ang Home Schooling
Upang mga estudyante’y lalong gumaling
Habang nakataas ang quarantine.

Ituloy pa rin natin ang edukasyon
Mga guro’t magulang, magtulong-tulong!
Isulong natin itong solusyon
Mga mag-aaral, patuloy na yumabong
Bagong Normal, ating ikanlong.
Bagong edukasyon, ating isulong.

Tula tungkol sa edukasyon sa new normal ni Makata O.

Buod ng Tula

Sa tulang ito, isinaysay ng may akda na dahil sa Covid may new normal sa DepEd. Ngunit ating ituloy ang edukasyon sa pamamagitan ng Alternative Learning Modes at safety and health measures. Mayroong Distance Learning kagaya ng online, modular, at tv/radio-based learning, isali pa ang Home Schooling. Mga guro’t magulang, magtulong-tulong. Bagong edukasyon, ating isulong.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay sa pamamagitan ng pagtutulungan at sa iba’t-ibang paraan ay maaari pa rin nating ituloy ang pag-aaral ng mga kabataan.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng tula tungkol new normal sa DepEd. Sa gitna ng Covid, maaari pa rin nating ituloy ang edukasyon sa pamamagitan ng Alternative Learning Modes. Sa pagtutulong-tulong ng mga guro’t magulang, ating maisusulong ang bagong edukasyon.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maraming salamat sa pagbasa ng Tula Tungkol Sa Edukasyon. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are Proud Pinoy!

Leave a Comment