Isang Punungkahoy : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

ISANG PUNUNGKAHOY – Ang punongkahoy ay importanteng uri ng halaman na nagbibigay sa atin ng materyales upang makagawa ng mga bahay at iba pang kagamitan. Ang tulang ito na pinamagatang “Isang Punungkahoy” ay isinulat ng makatang Pilipino na si Jose Corazon de Jesus.

Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.

Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.

Isang Punongkahoy - Buod At Aral ng Tula ni Jose Corazon De Jesus
Isang Punungkahoy : Isang Halimbawa Ng Tula Sa Kalikasan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng tula na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.

Isang Punungkahoy

Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig…

Tula tungkol sa kalikasan na isinulat ni Jose Corazon de Jesus

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang “Isang Punungkahoy”

Ang “Isang Punungkahoy” ay isang tula tungkol sa kalikasan. Ang tulang ito ay nasa perspektibo ng isang punongkahoy. Hinahalintulad niya ang kanyang sarili sa isang krus kung titignan sa malayo. Siya ay nabubuhuhay sa malapit sa isang batis at rinig niya ang organo sa simbahan na nanalangin.

Habang tumatagal ay may mga sakuna na nangyayari at nasaksihan niya ito. Sa bawat tunog ng kampana at orasyon ay nasaksihan niya ang kalungkutan ng tao.

Ang mga luha nila ay parang tubig na dumadaloy sa batis. Dumating ang panahon na siya ay nabuwal at namatay rin. Lahat ay nalungkot sa nagyari sa kalikasan. Sa huli ang mga sanga niya ay naging krus sa libingan at ang mga dahon ay naging korona sa hukay.

Aral ng Tula

Ang tula na ito ay may aral na “parating alagaan ang ating kalikasan.” Ilagay din ang sarili sa sitwasyon ng mga puno. Nag-iisa lamang ang kanilang tahanan at wawasakin mo pa? Huwag nating sayangin ang pagkakataon na isalba ang ating kalikasan dahil sa huli ay tayo rin ang makikinabang dito.

Summary

Ang tulang pinamagatang Isang Punungkahoyay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment