Ikaw Ang DIyos Na Buhay – Sa tulang “Ikaw Ang Diyos na Buhay” ni Von Anrada, siya ay nagpapasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natanggap niya. Ang tula ay nagsisilbing handog niya sa Panginoon na hindi siya pinabayaan sa kabila ng pagsubok. Siguradong maaantig ang inyong mga puso sa tulang ito!
Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.
![Ikaw Ang DIyos Na Buhay - Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]](https://edbs4hg2h6p.exactdn.com/wp-content/uploads/2022/01/Ikaw-ang-diyos-na-buhay-Tula-tungkol-sa-Diyos.png?strip=all&lossy=1&sharp=1&resize=840%2C518&ssl=1)
Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.
Ikaw Ang DIyos Na Buhay – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]
At heto ang tulang pinamagatang “Ikaw Ang Diyos Na Buhay”.
Ikaw ang Diyos na Buhay!
Panginoong Diyos, Kabanal-banalan,
Ikaw ang hari ng mga kaharian,
Sa iyo nagbuhat itong kalangitan,
Pati kabundukan at ang kapatagan.Sa hiram na hinga’y nagpapasalamat,
Buhay ko’t katawa’y sa iyo nagbuhat
Pati kasuotan, pagkain at lahat,
Nangagkaloob nga ng biyayang sapat!Patawad, Ama ko, sa pagkakasala,
Nawa’y kaawaan sa duming nagawa,
Linisin ang puso pati na ang diwa,
Upang malabanan ang dy’ablong masama!Ang tula pong ito ay tanggapin Mo,
Handog ko’t papuri’t saka patotoo,
Na ikaw ang Diyos sa lahat ng dako,
Ilaw na liwanag na pumaparito!Sa aming paggising hanggang takipsilim,
Ay Ikaw ang siyang narito’t kapiling,
Iyong mga mata ang aming bituin,
At siyang liwanag sa gabing madilim.Ama naming Diyos, makapangyarihan
Talastas kong ikaw ang aming sandigan,
Sinasamba kitang walang alinlangan,
Sa ngayon, kahapon at kinabukasan!Amen.
Tula tungkol sa Diyos ni ni Von Anrada
Buod ng Tula
Ang tulang tungkol sa pasasalamat sa Diyos na ito ay isang panalangin ng may akda sa DIyos. Nagpapasalamat siya sa kanyang buhay at sa sapat na pagkain sa araw-araw. Humihingi rin siya ng paumanhin sa mga nagawang kasalanan. Ang kanyang ginawang tula ay inihahandog niya sa Kanya. Sinasabi rin niya na sasambahin niya ang Panginoon magpakailanman.
Aral ng Tula
Ang aral ng maikling tulang ito tungkol sa pasasalamat sa Diyos ay laging magdasal sa ating Panginoon. Lagi lang Siyang nakikinig sa ating mga dalangin kaya huwag tayong mapagod sa pagdarasal.
Summary
Ang tula na pinamagatang Ikaw Ang DIyos Na Buhay ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.
Inquiry
Maraming salamat sa pagbasa ng Ikaw Ang DIyos Na Buhay – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- Tula Tungkol Sa Kalikasan – 25 Maikling Tula Tungkol Sa Pangangalaga At Pagmamahal Sa Kalikasan 2021
- Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya 2021
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Tula Tungkol Sa Pandemya – 10 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Panahon Ng Pandemya (Covid 19) 2021
- 30 Tula Tungkol Sa Guro (Pasasalamat Sa Mga Guro Ngayong Pandemya) 2021
- Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig) 2021
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021