Ikaw Ay May Karapatan, Bata!

IKAW AY MAY KARAPATAN, BATA! – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Ikaw Ay May Karapatan, Bata!” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Sa tulang ito, sinasaad ng panitikan.com.ph na ang bawat bata ay may karapatan sa edukasyon, karapatang maglibang, maging malusog, at mabuhay.

Bilang karagdagan, ang tula na ito ay isang tula tungkol sa mga karapatan ng bawat bata. Kailangan nating ibigay sa mga bata ang kanilang mga karapatan bilang tao. Isapuso natin ito at atin silang tulungan at gabayan upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

IKAW AY MAY KARAPATAN, BATA! - TULA TUNGKOL SA ESUKASYON
Ikaw ay may Karapatan, Bata! – Tula tungkol sa Edukasyon

Ikaw Ay May Karapatan, Bata!

Bata ikaw ay may karapatan sa edukasyon,
pumasok sa paaralan at matuto ng leksiyon.
Daan ito para sa magandang kinabukasan,
ikaw ang magsisilbing pag-asa ng ating bayan.

Bata ikaw ay may karapatang maglibang,
sa iyong paglalaro ay walang dapat humarang.
Kailangan mong sa iba ay makisalamuha,
sa mga kaibiga’t kalaro’y makipagpalitan ng tawa…

Tula tungkol sa edukasyon mula sa panitikan.com.ph

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Ikaw ay may karapatan, Bata

Sa tulang ito, isinaysay ng may akda na bawat bata ay may karapatan. Karapatan sa edukasyon, sapagkat ito ay daan sa magandang kinabukasan, bilang pag-asa ng bayan.

Karapatang maglibang at makisalamuha sa mga kaibiga’t kalaro. Karapatang maging malusog, para sa talino at siglang walang kapantay. Pang huli, karapatang mabuhay, sapagkat ikaw ay isang malaking biyaya.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay huwag nating kunan ng karapatan ang mga bata. Lahat ng tao, maging ang mga bata ay may karapatan sa mundo. Bilang nakakatanda o magulang, kailangan nating ibigay sa ating mga anak ang mga karapatang nararapat sa kanila.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng tula tungkol sa mga karapatan ng mga bata. Ito ay karapatan sa edukasyon, karapatang maglibang, karapatang maging malusog, at karapatang mabuhay.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment