Edukasyong Mahalaga : Isang Tula Tungkol Sa Edukasyon

EDUKASYONG MAHALAGA – Maraming iba’t-ibang halimbawa ng tula at marami sa ating mga Pilipino ang nawiwiling magbasa ng mga ito. Isa sa mga halimbawa nito ay siyang tatalakayin natin dito.

Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Edukasyong Mahalaga.” Ito ay isang halimbawa ng tula tungkol sa edukasyon. Ang tula na ito ay isinulat ni Nathaniel Ignacio.

Sinasaad nito ang tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay. Sa madaling salita, ang “Edukasyong Mahalaga” ay tungkol sa mga bagay na idinudulot ng edukasyon sa ating buhay.

EDUKASYONG MAHALAGA - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
Edukasyong Mahalaga : Isang Tula Tungkol Sa Edukasyon

Edukasyong Mahalaga

May isang batang bumili ng babasa
Sya ay nagbasa at nagging dalubhasa
Sya’y naging matalino sa pagbabasa
Sa ideya ng edukasyon, nahasa

Minsan ang edukasyon ay nasasayang
Ng mga pamilya at taong mayaman
Mga mahihirap, di nanghihinayang
Kung sa pag-aral, ay nagiging matapang…

Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Nathaniel Ignacio

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Edukasyong Mahalaga

Sa tula na ito, isinaysay ng may akda ang tungkol sa edukasyong nasasayang ng mga tao, mayaman man o mahirap. May isang batang bumili ng babasa, ito’y nagbasa, naging dalubhasa at matalino.Ito ang pruweba na ang edukasyon ay mahalaga. Kailangan lang magtiyaga, magbigay atensiyon at matuto.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagbibigay halaga sa pag-aaral dahil hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral.

Summary

Ang tulang ito ay tungkol sa edukasyong dapat na bigyan ng halaga at atensiyon. Maraming edukasyong nasasayang ng mga tao. Sa edukasyon wag huminto, sapagkat ito ay mahalaga upang tayo ay matuto.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay mayroon kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.

Huwag itong kalimutang ibahagi sa iyong mga kaibigan, kaklase, kapatid, o mga kaanak. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment