TULA TUNGKOL SA EDUKASYON – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Edukasyon”. Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Sa tulang ito, sinasaad ni Panyaaaaang na ang pag-aaral ay isang daan tungo sa tagumpay.
Ang “Edukasyon” ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagpapahalaga sa pag-aaral.
Table of contents

At ito ang isa sa mga halimbawa ng isang tula.
Edukasyon
Tula sa Pilipinas ni Panyaaaaang
Kailangan ng edukasyon ng buong bayan
Ng mga isyu at usaping pang kalikasan
Sa gayo’y mamulat ang maraming mamamayan
Na ang kalikasan pala’y dapat alagaan
Ang edukasyon nga naman
Ang edukasyon nga naman
Isa itong yaman na dapat ingatan
At ipalaganap sa buong sandaigdigan
Edukasyon ay isang regalo
Bigay ng ating mga magulang
Na hindi mananakaw at mapapalitan
Upang maabot ang pangarap na inaasam
Kaya’t pakahusayan natin ang edukasyon
Hinggil sa kabataan at gawin itong misyon
Upang maraming masa’y matuto sa paglaon
At malaki nang ambag ito sa nasyon
Buod ng Tula Tungkol Sa Edukasyon
Sa tulang ito, isinaysay ng may akda na kailangan ang karunungan ng bawat tao. Hindi lamang ukol sa mga paksa sa paaralan o pang propesyonal na larangan, kundi pati sa usaping pang kalikasan.
Ito ay ating ingatan, sapagkat, ito ay isang regalo na bigay ng ating mga magulang na hindi makukuha nino man. Gawin itong misyon sapagkat ito ay malaki nang ambag sa ating nasyon.
Aral ng Tula Tungkol Sa Edukasyon
Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagpapahalaga sa pag-aaral. Kailangan nating magkaroon ng kaalaman sa lahat ng bagay hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para sa kapakanan ng karamihan.
Summary
Ang tulang ito ay tungkol sa pag-aaral bilang isang daan tungo sa tagumpay. Kailangan ng pag-aaral ng bawat tao, lalo na sa usaping pang kalikasan. Ito ay dapat nating ingatan at gawing misyon upang tayo ay makatulong sa ating nasyon.
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- Tula Tungkol Sa Kaibigan
- Pamana
- Ikaw Ay May Karapatan, Bata!
- Sa Ating Paaralan
- Tula Ng Isang Mag-aaral
- Edukasyong Mahalaga
- Susi Sa Kinabukasan
Maraming salamat sa pagbasa ng Tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!
We are Proud Pinoy!