EDUKASYON NI MERIC B MARA – Maraming iba’t-ibang halimbawa ng tula at marami sa ating mga Pilipino ang nawiwiling magbasa ng mga ito. Isa sa mga halimbawa nito ay siyang tatalakayin natin dito.
Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Edukasyon.” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Meric B. Mara.
Isinasaad niya sa tula na ito ang kanyang mga karanasan sa pag-aaral. Sa madaling salita, ang tulang “Edukasyon” ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagpapahalaga sa pag-aaral.

Edukasyon
Tandang-tanda ko pa ABAKADA ni ama at ina
Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Meric B. Mara
na siyang unang nagbukas ng isip sa letra
edukasyon ko noon ay sa kanlungan pa nila
may piso akong baon at kendi sa twina.
Lumipas ang ilang taon ako ay kanilang itinuon
sa paaralan, may pormal na edukasyon
at may guro nasa akin ay gagabay doon
at ang piso kong baon, dalawang piso na ngayon.
Sa eskwela hinubog ang isipan kong tulog
tinuruan mag isip ng tama at angkop
dito ko rin naranasan ang hirap na lugod
nasa kinabukasan ko ay siyang papalaot…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Edukasyon ni Meric B. Mara
Sa tula na ito, isinaysay ng may akda ang kanyang mga karanasan sa paaralan. Kung paano tayo nagsimulang matuto at pumasok sa paaralan. Mga aral na kanyang natutunan hanggang sa makapagtapos. Sa gabay ng Diyos, mga magulang at mga guro.
Aral ng Tulang Edukasyon ni Meric B Mara
Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagpapahalaga sa pag-aaral. Tayo ay magpasalamat at magbigay halaga hindi lamang sa ating mga magulang kundi pati sa Diyos at mga guro na ating naging gabay hanggang tayo ay magtagumpay.
Summary
Ang tulang ito ay tungkol sa karanasan ng bawat estudyante sa paaralan. Kung paano tayo nagsimulang matuto hanggang sa tayo ay makapagtapos.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay mayroon kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.
Huwag itong kalimutang ibahagi sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!