Edukasyon : Tula Tungkol Sa Edukasyon Ni Lorna C. Cantes

TULA TUNGKOL SA EDUKASYON – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Edukasyon”. Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Sa tulang ito, sinasaad ni Lorna C. Cantes na ang pag-aaral ay isang daan tungo sa tagumpay.

Ang “Edukasyon” ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagpapahalaga sa pag-aaral.

EDUKASYON - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON NI LORNA C. CANTES
TULA NI LORNA C. CANTES

At ito ang isa sa mga halimbawa ng isang tula.

Edukasyon

Edukasyon ang daan tungo sa tagumpay,
Sa isang lipunang matatag at matibay.
Sandalan at sandata sa kinabukasan,
Ang siyang maghuhubog ng mga kaisipan.

Kung ang edukasy0n ay matatamasa,
Tiyak ang liwanag, matatanaw mo na.
Matutunan nating gamitin sa tama,
Kaalamang taglay ito ang tunay na panangga.

Gabay ng PANGINOON lagi sana’y hingin,
Ng taong katulad mong may mabuting layunin.
Hangad ay mapaunlad ang buhay na angkin,
Makapaglingkod din sa mga taong ginigiliw.

Pinanday sa mag-aaral, de kalidad na edukasyon,
Heto na’t makakamit sa buhay na may layon.
Pagkat dito sa MHS na nagsilbing kaagapay,
Upang gintong aral ay tumatak sa buhay.

Tula sa Pilipinas ni Lorna C. Cantes

Buod ng Tula Tungkol Sa Edukasyon

Sa tulang ito, isinaysay ng may akda na ang pag-aaral ay isang daan tungo sa tagumpay. Ito ang ating sandata at sandalan sa buhay. Gabay ng panginoon ay ating hingin, upang mapaunlad ang ating buhay.

Aral ng Tula Tungkol Sa Edukasyon

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagpapahalaga sa pag-aaral at paghingi ng gabay sa panginoon sapagkat ito ang ating tanging daan tungo sa tagumpay at kaginhawaan sa buhay.

Summary

Ang tulang ito ay tungkol sa pag-aaral bilang isang daan tungo sa tagumpay. Mahuhubog nito ang ating kaisipan at kaalamang taglay nito ang ating tunay na panangga. Sa pamamagitan nito, makakamit natin ating pangarap sa buhay.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maraming salamat sa pagbasa ng Tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are Proud Pinoy!

Leave a Comment