Edukasyon ni Angelbless : Isang Tula Tungkol Sa Edukasyon

EDUKASYON NI ANGELBLESS – Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Edukasyon.” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon. Ang tulang ito ay isinulat ni Angelbless at isinaad na ating pahalagahan ang edukasyon.

Sa maikling salita, ang “Edukasyon” ay isang halimbawa ng tula tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral sa ating buhay.

EDUKASYON NI ANGELBLESS - TULA TUNGKOL SA EDUKASYON
EDUKASYON – TULA NI ANGELBLESS

Edukasyon

Edukasyon mahalagang bagay sa bawat nilalang;
Nagsisilbing sandata para kahirapan ay mapaglabanan;
Maghahatid tungo sa landas ng karangyaan at karalitaan;
Kayamanan na hindi maagaw at mapawi magpakailanman.

Pagtiyagaan at pagsikapan na ito ay iyong makamtan;
Tiisin ang puyat at pagod na pagdadaanan;
Ano mang balakid piliting ito’y mawaglit at malampasan;
Habang buhay mo itong kaakibat at pakikinabangan.

Kabataan makiramdam at magmasid ka sa iyong bayan;
Taong namumuno taglay ang malawak na kaalaman;
Iginagalang, pinapakinggan at pinapahalagahan sa lipunan;
Tinitingala at hindi pwedeng aapakan ng sino man…

Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Angelbless

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Edukasyon ni Angelbless

Sa tula na ito, isinaysay ng may akda na ang edukasyon ay mahalagang bagay sa bawat nilalang. Ito ay nagdudulot ng karangyaan at kaginhawaan. Taong namumuno ay taglay ang malawak na kaalaman. Sila ay pinapakinggan, iginagalang at pinapahalagahan.

Kung kaya’t atin itong pahalagahan at ating pakinggan ang ating mga magulang. Sapagkat makita kang sagana dulot sa kanila ay wagas na kaligayahan.

Aral ng Tula

Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay pagbibigay halaga sa pag-aaral. Sapagkat, sa panahon ngayon, kapag ikaw ay walang alam, ikaw ay walang puwang at hindi pakikinggan. Edukasyon ang ating tanging panlaban.

Summary

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng tula tungkol sa mga bagay kung bakit natin kailangang bigyan ng halaga ang ating pag-aaral. Payo ng ating magulang ay ating sundin. Sapagkat ito lamang ang kanilang tanging pamana at ating sandata.

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment