EDUKASYON: NATATANGING PAMANA NI ITAY AT INAY – Ang artikulong ito ay tungkol sa tulang “Edukasyon: Natatanging Pamana Ni Itay At Inay.” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon.
Ang tula na ito ay isinulat ni Emma A. Gatchalian. Isinaad niya na ating ingatan at pahalagahan ang edukasyon sapagkat ito ang natatanging pamana sa atin ng ating mga magulang.
Sa maikling salita, ito ay isang tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

Edukasyon: Natatanging Pamana Ni Itay At Inay
Edukasyo’y tila diyamante ang halaga;
Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Emma A. Gatchalian
Walang sino mang nanaisin itong mawala.
Hindi man maaaring ipagbili’t ibenta,
Ngunit sa buhay ay posibleng guminhawa.
Isang instrumento upang pangarap ay makamtan,
Ang makaahon mula sa lugmok na kahirapan;
Magsisilbing daan patungo sa hayahay na buhay,
Kasaganahang minimithi’y matatamong tunay…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Edukasyon: Natatanging Pamana Ni Itay At Inay
Sa tulang ito, isinaysay ng may akda na ang edukasyon ay tila diyamante ang halaga, hindi maaaring ipagbili’t ibenta ngunit sa buhay posibleng guminhawa. Ito ay isang instrumento upang pangarap ay makamtan, tumutulong upang tama’t mali ay malaman.
Nagbibigay aral at kabutihan. Ito ang pamanang handog sa atin ng ating mga magulang, at ito ay patuloy nating ingatan at pahalagahan.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pag-ingat at pagbibigay halaga sa edukasyon. Sapagkat ito ay makakapagbigay sa atin ng kaginhawaan sa buhay.
Dagdag pa rito, ito ay nagbibigay aral at kabutihan. Higit sa lahat, ito ang tanging pamana sa atin ng ating mga magulang na ni sino man ay hindi ito mananakaw o makukuha sa atin.
Summary
Ang tulang ito ay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay. Ito ay nagbibigay aral at kabutihan, makakatulong sa ating kaginhawaan, at ito ay natatanging pamana sa atin ng ating mga magulang na walang makakakuha ni sino man. Kaya atin itong ingatan at pahalagahan.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!